Moises A. Caguin
Si Moises A. Caguin ay isang batikang direktor na Pilipino noong kalagitnaan ng dekada 1940 hanggang huling dekada. Isinilang siya noong 1920 at unang pinamahalaan ang Ikaw Na na isang komedya ng Palaris Pictures.
Siya ang direktor na hindi napako sa isang produksiyon, ginawa niya ang Dalawang Anino ng SVS Pictures, Sekretang Hongkong ng Premiere Productions at Binatang Maynila ng RDS Pictures na pawang taong 1947.
Noong 1948 pumunta siya sa Mabuhay Pictures para gawin ang Pipi't Puso na isang musikal. Ginawa rin niya sa Filcudoma Pictures ang Dasalang Ginto.
Kahit ang kahuli-hulihang pelikula niya noong 1953 ay ibang produksiyon din ang Silahis Pictures kung saan idinirihe niya ang Sangang-Daan at ito na rin ang huling pelikula niya.
Pelikula
baguhin- 1946 - Ikaw Na
- 1947 - Dalawang Anino
- 1947 - Sekretang Hongkong
- 1947 - Binatang Maynila
- 1948 - Pipi't Puso
- 1949 - Dasalang Ginto
- 1953 - Sangang-Daan
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.