Paglilinis ng pera

(Idinirekta mula sa Money laundering)

Ang paglilinis ng pera[1][2][3] (Ingles: money laundering) ang anumang akto na nagkukubli ng mga salaping nakuha mula sa ilegal na paraan o krimen upang ang mga ito ay magmukhang nagmula sa legal o lehitimong pinagmulan.[4]

Kasaysayan

baguhin

Ang konsepto ng mga tuntunin sa paglilinis ng pera ay mula pa noong sinaunang panahon, kasabay ng pagyábong ng pananalapi at pagbabangko. Unang itong ginawa ng mga táong nagtatagò ng kanilang mga yaman mula sa estado upang makaiwas sa buwis o pagsasamsam, o kombinasyon ng dalawa.

Noong mga 2000 BCE sa Tsina, tinatago ng mga mangangalakal mula sa kanilang mga pinuno ang kanilang yaman dahil maaari nila itong kuhanin sa kanila at ipatápon na lamang silá pagkatapos. Bukod sa pagtatago ng kanilang yaman, inililipat din nila ito at ginagawang puhunan sa mga negosyo sa malaláyong probinsiya o kaya'y sa labas ng Tsina.[5]

Sa pagdaan ng panahon, maraming mga pinuno at estado ang nagpátaw ng mga tuntunin na magsasamsam ng yaman ng kanilang mga mamamayan. Dahil dito lumaganap ang offshore banking at pag-iwas sa buwis. Isa sa mga nananatiling pamamaraan ang paggamit ng parallel banking o Informal value transfer systems gaya ng hawala na nagpapahintulot na mailabás ang pera sa kanilang bansa nang hindi nasusuri ng pamahalaan.

Noong ika-20 siglo, naging laganap muli ang pagsasamsam sa yaman bilang karagdagang hakbangin sa pagsasawata ng kriminalidad. Una itong nangyari sa panahon ng prohibisyon sa Estados Unidos noong mga 1930. Nagkaroon ng pagtuon ang estado at mga ahensiyang nagpapatupad ng batas na sundan at mangumpiska ng pera. Bunsod ng prohibisyon, lumago ang kita ng mga organisadong krimen mula sa ilegal na benta ng alak.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Anti-Money Laundering and Counter Terrorism Financing laws brochure" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-02-13. Nakuha noong 2016-03-18. {{cite web}}: Unknown parameter |file= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "AMLC nais sakupin ang batas ng casino". PINAS. SWARA SUG Media Corp. 2011-03-09. Nakuha noong 2016-03-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Escudero, Malou (2011-03-09). "Casino nagagamit sa money laundering". Pilipino Star Ngayon. Philstar. Nakuha noong 2016-03-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Money laundering" (sa wikang Ingles). Interpol. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-01. Nakuha noong 2016-03-24.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-10-01 sa Wayback Machine.
  5. Sterling Seagrave (1995). Lord of the RIM.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)