Ang isang monoplano (Ingles: monoplane) ay isang sasakyang panghimpapawid na mayroong nakapirming mga pakpak na mayroong isang pangunahing pangkat ng mga ibabaw ng mga pakpak, na kaiba sa isang biplano o isang triplano. Magmula noong kahulihan ng dekada ng 1930, ito ang naging pinaka pangkaraniwang anyo para sa isang sasakyang panghimpapawid o eruplano na mayroong mga pakpak na nakapirmi o hindi gumagalaw.

Monoplano
Ang mababang mga pakpak ng isang Curtiss P-40.
Ang panggitnang mga pakpak ng isang de Havilland Vampire T11.
Ang mga pakpak na pambalikat ng isang ARV Super2.
Ang mataas na mga pakpak ng isang de Havilland Canada Dash 8.
Ang mga pakpak na parasol ng isang Pietenpol Air Camper.

Mga uri ng mga monoplano

baguhin

Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng mga uri ng monoplano ay ang kung saan nakakabit ang mga pakpak kaugnay ng pusilahe (katawan ng eruplano):

  • ang may mababang mga pakpak (low-wing), na ang mas mababang ibabaw ng mga pakpak ay kapantay o kaantas (o nasa ibaba) ng ilalim ng pusilahe
  • ang may nakagitnang mga pakpak (mid-wing), na ang mga pakpak ay nakakabit na nasa gitna ng pusilahe
  • ang may mga pakpak na nasa balikat (shoulder wing), na ang mga pakpak ay nakakabit sa ibabaw ng gitna ng pusilahe
  • ang may mga pakpak na matataas (high-wing), na ang ibabaw ng mga pakpak ay kapantay ng o nasa itaas ng ibabaw ng pusilahe
  • ang may mga pakpak na parasol o may mga pakpak na pamayong (parasol wing, parasol-wing), na ang mga pakpak ay nasa itaas ng pusilahe at hindi tuwirang nakaugnay dito, na ang suportang pangkayarian ay karaniwang ibinibigay ng isang sistema ng mga pampagiri (panggiri), at ng suhay na alambre (dupil ng alambre), partikular na sa kaso ng isang mas lumang sasakyang panghimpapawid.