More Than This (awitin ng One Direction)
Ang More Than This ay ang ikaapat at huling single ng pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction mula sa kanilang paunang album, ang Up All Night (2011). Ipinrodyus ito nina Brian Rawling at Paul Meehan, at nilikha naman ang mga letra nito ni Jamie Scott. Pangunahing sinasamahan ng synthesizers, ang awitin ay isang akustikong pop ballad tungkol sa di-nasusukliang pag-ibig (unrequited love). Inilabas sa pormang digital ang "More Than This" ng Syco Music noong ika-25 ng Mayo 2012.
"More Than This" | |
---|---|
Awitin ni One Direction | |
mula sa album na Up All Night | |
Nilabas | 25 Mayo 2012 |
Nai-rekord | 2011 |
Tipo | Pop, Ballad |
Haba | 3:48 |
Tatak | Syco |
Manunulat ng awit | Jamie Scott |
Prodyuser |
|
Music video | |
"More Than This (Up All Night: The Live Tour)" sa YouTube |
Nakakuha ng positibong puna sa pangkalahatan ang "More Than This" mula sa mga kritiko, na pumuri sa pormang ballad ng awit, subalit nagtala lamang ito ng puwesto mula sa listahang Australyano at Irlandes. Ang katuwang na bidyo-awit (music video) nito, na idinirehe ni Andy Saunders, ay naglalarawan sa grupo habang itinatanghal ang awit nang live bilang bahagi ng kanilang Up All Night Tour (2011-12). Itinanghal ng One Direction ang nasabing ballad sa kanilang dalawang malaking lakbay-konsiyerto (concert tour), ang Up All Night Tour at Take Me Home Tour (2013).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.