Morge
Ang morge (Ingles: morgue sa Estados Unidos; mortuary sa Nagkakaisang Kaharian[1]) ay ang opisyal na lugar kung saan dinadala ang mga bangkay ng mga taong namatay o natagpuang patay, upang masuri ang naging sanhi ng kanilang kamatayan. Pinananatili dito ang patay na kailangan pang makilala, o hanggang sa payagang ipakuha na para malibing.[1][2] Tinatawag din ang taguan ng patay na ito bilang mortuwaryo, bagaman mas espesipikong tumutukoy ang mortuwaryo sa isang silid ng punerarya kung saan binibihisan at isinasaayos ang mga bangkay.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Morgue, mortuary". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 74.
- ↑ 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Morgue, morge; mortuary, mortuwaryo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.