Ang Mottainai (もったいない・勿体無い) ay isang terminong Hapones. Sa mga sinaunang kasulatan ng mga Hapon, maraming iba't ibang kahulugan ang "Mottainai". Sa kasalukuyan, ang kahulugan nito ay maaaring isalin na: "masyadong maaksaya na hindi napapakinabangan nang husto ang mga bagay".

Ito ay naging pamansag ng isang nagpapahalaga sa kalikasan na taga-Kenya na si Wangari Maathai, na naparangalan ng Nobel Peace Prize, na halos katumbas ng katagang Ingles na "Reduce, Reuse, Recycle" (maari rin isama ang "Repair").


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.