Motu proprio
Ang motu proprio (sa Latin ay: "sariling pagkukusa") ay isang dokumentong inilalabas ng Santo Papa (o ng isang monarka) sa kaniyang pagkukusa at kaniya ring nilalagdaan.[1]
Kapag inilabas ng Santo Papa ang isang motu proprio, ito'y maaaring para sa buong Simbahan, bahagi lang nito, o para sa ilang indibidwal lamang.[1]
Ang kauna-unahang motu proprio ay inilabas ni Papa Inocencio VIII noong 1484. Nananatili itong karaniwang anyo ng kautusan ng Papa, lalo na sa tuwing magtatatag ng mga institusyon, magsasagawa ng ilang pagbabago sa batas o kaparaanan, at sa tuwing magbibigay ng pabor kaninoman o sa institusyon.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Cross, Frank Leslie; Livingstone, Elizabeth A. (2005). "s.v. motu proprio". Oxford Dictionary of the Christian Church. Oxford: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-280290-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MacErlean, Andrew (1911). "s.v. Motu Proprio". Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. Nakuha noong Oktubre 23, 2015.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)