Multiberso
Ang multiberso o meta-uniberso ang hipotetikal na hanay ng mga walang hangganan o may hangganang mga posibleng uniberso(kabilang ang unibersong ating nararanasan) na binubuo ng bawat bagay na umiiral at maaaring umiiral: ang kabuuan ng kalawakan, panahon, materya at enerhiya gayundin ang mga pisikal na batas at konstante na naglalarawan sa mga ito. Ang terminong ito ay inimbento noong 1895 ng pilosopong Amerikano at sikologong si William James. Ang mga iba't ibang uniberso sa loob ng multiberso ay minsang tinatawagt na mga parallel universe.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.