Ang Multo ng Opera
Ang The Phantom of the Opera (orihinal na pamagat sa Pranses: Le Fantôme de l'Opéra, na nangangahulugang "Ang Pantasma ng Opera") ay isang kathambuhay ng Pranses na manunulat na si Gaston Leroux. Una itong inilathala ng sunud-sunod o mga serye sa babasahing Le Gaulois mula 23 Setyembre 1909 hanggang 8 Enero 1910. Noong una, hindi naging napakamabili ang kuwento nang malimbag sa anyong aklat at nawala rin sa paglalathala ng ilang mga uli noong ika-20 daang taon, bagaman naging matagumpay ang sari-saring pagtatanghal nito bilang mga pelikula at sa mga tanghalan. Pinakanatatangi ng mga ito ang pelikula noong 1925 at ang musikal noong 1986 ni Andrew Lloyd Webber na kasalukuyang pinakamatagal na itinatanghal na palabas sa kasaysayan ng tanghalan ng Broadway, at isa sa pinakakumitang proyektong panglibangan sa lahat ng kapanahunan.
May-akda | Gaston Leroux |
---|---|
Orihinal na pamagat | Le Fantôme de l'Opéra |
Bansa | Pransiya |
Wika | Pranses |
Dyanra | Nobelang Gotiko |
Tagapaglathala | Pierre Lafitte & Cie. |
Petsa ng paglathala | 23 Setyembre 1909 hanggang 8 Enero 1910 |
Nilathala sa Ingles | 1911 |
Uri ng midya | Seryeng nakalimbag |
OCLC | 15698188 |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.