Tugtugin

(Idinirekta mula sa Music)

Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong kasamang pag-awit. Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch (na gumagabay sa melodiya at harmoniya), ritmo (at ang kaugnay nitong tempo, metrika, at artikulasyon), dinamika, at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura. Ang salita ay hango sa salitang Griyego μουσική (mousike; "sining ng mga Musa"). Sa kanyang karaniwang anyo ang mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang uri ng sining ay binubuo ng paggawa ng mga piyesa ng musika, ang kritisismo ng musika, ang pag-aral ng kasaysayan ng musika, at ang estetikang diseminasyon ng musika.

Gagaku, isang uri ng klasikong musika na nagmula sa Hapon.
Mga musikero sa isang matrimonyo sa Nigeria.

Ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika ay iba-iba depende sa kultura at panlipunang konteksto. Ang saklaw nito ay mula sa estriktong organisadong komposisyon (at ang pang-aliw na pagganap nito), sa pamamagitan ng improbisasyonal na musika, hanggang sa pormang aleatoric. Ang musika ay puwedeng hatiin sa mga genre at subgenre, pero ang mga dibisyon at relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino, minsan bukas sa pangsariling interpretasyon, at paminsan-minsan kontrobersyal. Sa sining, ang musika ay puwedeng iuri bilang isang sining na itinatanghal, fine arts, at awditoryong sining. Ang musika ay puwedeng tugtugin at marinig ng pangkasalukuyan, at puwedeng maging bahagi ng isang dulaan o pelikula, at maaari din i-record.

Sa maraming tao sa iba’t ibang kultura, ang musika ay mahalagang bahagi ng pamumuhay. Ang musika para sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiyano, ay mga tono na nakaayos pahalang ay melodiya, at patayo ay harmoniya. Mga pangkaraniwan na kasabihan katulad ng “ang kaayusan ng mga espera” at “ito’y musika sa aking mga tainga” ay nagsasabi na ang musika ay kadalasang maayos at magandang pakinggan. Gayunman, ang ika-dalawampung siglo na kompositor na si John Cage ay may ideya na ang kahit anong tunog ay maaaring maging musika, sa pagsabi niya ng “walang ingay, kundi tunog.”


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.