Tugtuging pangkamara

(Idinirekta mula sa Musikang pangtsamber)

Ang tugtuging pangkamara o musikang pangtsamber ay isang uri ng musikang klasikal na nilikha para sa isang maliit na pangkat ng mga instrumentong pangmusika — na nakaugaliang isang pangkat na magkakasya sa loob ng isang kamara o tsamber ng isang palasyo. Sa mas malawakan, kinabibilangan ito ng anumang musikang pangsining na isinasagawa ng isang maliit na bilang ng mga manunugtog, kung saan nananagot ang isang tagaganap sa isang bahagi. Ang salitang "tsamber" o "kamara" ay kumakatawan na ang musika ay maaaring itanghal sa isang maliit na silid, na kadalasang nasa loob ng isang pribadong salon o sala na pambisita (salas o sala), na kadalasang mayroong atmospera ng pagpapalagayan ng kalooban.

Dahil sa pagiging likas na katalikan nito, ang tugtuging pangkamara ay nailarawan bilang "ang musika ng mga magkakaibigan."[1] Sa loob ng mahigit na 200 mga taon, ang musikang pangkamara ay pangunahing tinutugtog ng mga masukerong baguhan (mga amateur) sa kanilang mga tahanan, at magpahanggang sa ngayon, habang ang karamihan ng mga pagganap ng tugtuging pangkamara ay lumipat mulas sa mga tahanan papunta sa mga bulwagang pangkonsiyerto, maraming mga musikero, baguhan man o propesyunal, ay tumutugtog pa rin ng musikang pangtsamber para sa kanilang pansariling kasiyahan. Ang pagtugtog ng musikang pangtsamber ay nangangailangan ng natatanging mga kakayanan, kapwa pangmusika at panlipunan, na kaiba mula sa mga kasanayang kailangan para sa pagtugtugon nang nag-iisa o mga akdang pangsimponiya.

Inilarawan ni Johann Wolfgang von Goethe ang tugtuging pangtsamer (partikular na ang musika na may apat na instrumentong may bagting o string quartet sa Ingles) bilnag "apat na taong naghuhuntahan."[2] Ang paradigmong pampagtatalakayan na ito ay naging isang sinulid na nahabi sa paglipas ng kasaysayan ng pagsulat ng musikang pangtsamber magmula sa hulihan ng ika-18 daantaon magpahanggang sa kasalukuyan. Ang analohiya sa pag-uusapan ay umuulit-ulit sa mga paglalarawan at pagsusuri ng mga kumposisyon ng musikang pangtsamber.[kailangan ng sanggunian]

Kasaysayan

baguhin

Magmula sa pinakamaagang pag-uumpisa ng tugtuging pangkamara sa kapanahunang midyibal hanggang sa kasalukuyan, ang musikang pangtsamber ay naging isang pagsasalamin ng mga pagbabago sa teknolohiya at sa lipunan na lumikha nito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Christina Bashford, "The string quartet and society" na nasa Stowell (2003), pahina 4. Ang pagpapahayag na "musika ng mga magkakaibigan" o music of friends sa Ingles ay unang ginamit ni Richard Walthew sa isang lektura na nailathala sa South Place Institute, London, noong 1909.
  2. Christina Bashford, "The string quartet and society" na nasa Stowell (2003), p. 4. Ang pagbanggit ay nagmula sa isang liham kay C.F. Zelter, Nobyembre 9, 1829.