Musikang prehistoriko
Ang musikang prehistoriko, na dating tinatawag na musikang primitibo, ay isang kataga sa kasaysayan ng musika para sa lahat ng tugtugin na nagawa sa mga kulturang preliterato (bago sumapit ang pagiging marunong bumasa at sumulat, o iyong panahong prehistoriko), na nagsimula saan man noong pinaka hulihan ng kasaysayang pangheolohiya. Ang tugtuging prehistoriko ay sinundan ng sinaunang musika sa iba't ibang mga bahagi ng mundo, subalit umiiral pa rin sa mga pook na ilang.
Kung gayon, ang musikang prehistoriko ay teknikal na kinabibilangan ng lahat ng mga musika ng mundo na umiral bago ang pagsisimula o pagsapit ng anumang umiiral pa o nabubuhay pa sa kasalukuyan na mga napagkunang pangkasaysayan hinggil sa musika; halimbawa na ang ang tradisyunal na musika ng Katutubong Amerikano ng mga tribong preliterato at ng musikang aborihinal ng Australia. Subalit, mas karaniwang tumutukoy ito sa musikang "prehistoriko" na umiiral pa rin bilang musikang bayan o katutubong tugtugin (folk music), musikang indihena o musikang nakaugalian (musikang tradisyunal). Pinag-aaralan ang musikang prehistoriko na kasabayan ng ibang mga kapanahunan na nasa loob ng arkeolohiya ng musika.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.