Mutant

(Idinirekta mula sa Mutante)

Sa biyolohiya lalo na sa henetika, ang isang mutant ay isang indibidwal, organismo, o isang bagong katangiang henetiko na lumilitaw o nagreresulta mula sa instansiya ng mutasyon na isang pagbabago sa sekwensiya ng base-pares sa loob ng DNA o kromosoma ng isang organismo na lumilikha ng isang bagong katangian na hindi matatagpuan sa uring ligaw. Ang paglitaw ng mutant sa kalikasan ay integral sa proseso ng ebolusyon. Ang pag-aaral ng mga mutant ay isang integral na bahagi ng biyolohiya. Sa pamamagitan ng pagkaunawa ng epekto ng isang mutasyon sa isang gene, posibleng mapatunayan ang normal na katungkulan ng gene na ito. [1]

Ang asul na lobster ay isang halimbawa ng mutant.

Sa ilang mga organismo, ang mga mutant ay maaaring malikha sa pamamagitan ng pagpupuntirya ng gene upang matukoy ang katungkulan ng anumang ibinigay na gene. Ang pamamaraang ito ay tinatawag na henetikang baliktad.[2] Halimbawa, ang koleksiyon ng mga mutant na knockout moss ay magagamit upang tukuyin ang mga gene na hindi pa alam ang mga katungkulan. [3]

Ang mga mutant ay hindi dapat ikalito sa mga organismong ipinanganak na may mga abnormalidad sa pag-unlad na sanhi ng mga pagkakamali tuwing morpohenesis. Sa isang abnormalidad sa pag-unlad, ang DNA ng organismo ay hindi nagbago at ang abnormalidad ay hindi maipapasa sa supling nito. Ang magkadugtong na kambal ay resulta ng mga abnormalidad sa pag-unlad.

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.pnas.org/content/68/9/2112.abstract Clock Mutants of Drosophila melanogaster
  2. Ralf Reski (1998): Physcomitrella and Arabidopsis: the David and Goliath of reverse genetics. Trends in Plant Science 3, 209-210 doi:10.1016/S1360-1385(98)01257-6
  3. Egener et al. BMC Plant Biology 2002 2:6 doi:10.1186/1471-2229-2-6