Mykhailo Maksymovych
Si Mykhailo Oleksandrovych Maksymovych[1] (Ukranyo: Михайло Олександрович Максимович; Ruso: Михаил Александрович Максимович; Setyembre 3, 1804 - Nobyembre 10, 1873) ay isang sikat na propesor sa botanika ng halaman, mananalaysay at manunulat ng Ukranyano sa Imperyo ng Russia na may piinagmulan Kosako.
Nag-ambag siya sa mga agham ng buhay, lalo na sa botanika at zoolohiya, at sa lingguwistika, kuwentong-pambayan, etnograpiya, kasaysayan, pag-aaral sa panitikan, at arkeolohiya.
Noong 1871 siya ay nahalal bilang kaukulang miyembro ng Rusong Akedemya ng mga Siyensiya, departamento ng wika at literatura ng Rusya. Si Maksymovych din[kailangang linawin] ay isang miyembro ng Samahang Pangkasaysayang Nestor ang Kronista na umiral sa Kiev noong 1872-1931.
Buhay
baguhinSi Maksymovych ay isinilang sa isang matandang Zaporozhia na Kosako na pamilya na nagmamay-ari ng isang maliit na ari-arian sa Mykhailova Hora malapit sa Prokhorivka, Kondado ng Zolotonosha sa Gobernadora ng Poltava (ngayon ay nasa Cherkasy Oblast) sa Kaliwang pampang ng Ukranya. Matapos matanggap ang kainyang edukasyon sa mataas na paaralan sa Novgorod-Severskiy Gymnasium, nag-aral siya ng agham pangkalikasan at pilolohiya sa faculdad ng pilosopiya ng Pamantasang Moscow at kalaunan ay ang faculdad ng medisina, nagtapos sa kaniyang unang degree noong 1823, ang kaniyang pangalawa noong 1827; pagkatapos noon, nanatili siya sa unibersidad sa Moscow para sa karagdagang akademikong gawain sa botanika. Noong 1833 natanggap niya ang kanyang titulo ng doktor at hinirang bilang isang propesor para sa pinuno ng botaniko sa Pamantasang Moscow.
Nagturo siya ng botaniko at naging direktor ng harding botaniko sa unibersidad. Sa panahong ito, malawakang naglathala siya sa botaniko at gayundin sa alamat at panitikan, at nakilala ang marami sa mga nangungunang ilaw ng intelektuwal na buhay ng Rusya kabilang ang makatang Ruso, Alexander Pushkin at manunulat ng Ruso, si Nikolay Gogol, at ibinahagi ang kaniyang lumalaking interes sa Kosakong kasaysayan kasama sila.
Tradisyong-pambayan
baguhinNoong 1827, inilathala ni Maksymovych ang Mga Munting Rusong Awiting-pambayan na isa sa mga unang koleksiyon ng mga katutubong kanta na inilathala sa silangang Europa. Naglalaman ito ng 127 kanta, kabilang ang mga makasaysayang kanta, mga kanta tungkol sa pang-araw-araw na buhay, at mga ritwal na kanta. Ang koleksiyon ay minarkahan ng isang bagong pagbaling sa mga karaniwang tao, ang katutubong, na siyang tanda ng bagong romantikong panahon na nagsimula noon. Kahit saan ito nabasa, napukaw nito ang interes ng mga klase ng literadong uri ng karaniwang tao. Noong 1834 at noong 1849, inilathala ni Maksymovych ang dalawang karagdagang mga koleksiyon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Mykhaylo Oleksandrovych Maksymovych". Taras Shevchenko National University of Kyiv (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-27. Nakuha noong 2022-02-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)