Mykola Pymonenko
Si Mykola Kornylovych Pymonenko (Ukranyo: Микола Корнилович Пимоненко; 9 Marso 1862 – 26 Marso 1912[tala 1]) ay isang Ukranyong[1] realistang pintor na nanirahan at nagtrabaho sa Kyiv. Isa sa mga kanyang naging estudyante si Kazimir Malevich, na naiimpluwensyahan ni Pymonenko sa kanyang mga unang gawain.
Mykola Pymonenko | |
---|---|
Микола Пимоненко | |
Kapanganakan | 9 Marso 1862 Priorka , Gobernasyon ng Kiev, Imperyong Ruso (nasa Ukranya ngayon) |
Kamatayan | 26 Marso 1912 Kyiv, Imperyong Ruso (nasa Ukranya ngayon) | (edad 50)
Edukasyon | Miyembro, Akademya ng Sining |
Nagtapos | Akademyang Imperyal ng Sining |
Kilala sa | Pagpipinta |
Estilo | Realismo |
Kilalang-kilala siya dahil sa kanyang mga eksena sa urbano at rural na dyanra ng mga magsasaka, mga tagabukid at mga uring manggagawa.
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Mykola Kornylovych Pymonenko noong Marso 9, 1862 sa nayon ng Priorka sa may labas ng Kyiv. Isang maestro sa ikonograpiya ang kanyang ama,[2] na may lahing Ukranyo. Pagkatapos magtrabaho bilang katulong ng kanyang ama, nagpatuloy si Pymonenko sa pag-aaral ng pagpipinta ng ikono sa Kyiv Pechersk Lavra.
Noong 1876, nakita ang gawain ni Pymonenko ni Mykola Murashko, isa sa mga tagapagtatag ng Paaralan ng Sining ng Kiev, na humanga sa batang artista, at naglobi sa mga tagatangkilik ng paaralan na payagan siyang mag-aral doon nang libre. Pagkalipas ng dalawang taon, nag-enrol si Pymonenko sa paaralan,[2] kung saan nagtrabaho siya kasama ang mga pintor na sina Khariton Platonov, Murashko, at iba pa. Doon siya nag-aral hanggang 1882.[2] Matapos maipadala ang kanyang gawain sa pagsusuri sa Akademyang Imperyal ng Sining sa San Petersburgo noong 1881, nakatanggap siya ng lisensya upang magturo ng pagguhit sa mababang antas ng sekondaryang paaralan, at nakapag-odit ng mga klase sa Akademya. Pinakasalan niya ang anak ni Vladimir Orlovsky, isa sa kanyang mga instruktor.[3]
Mula 1882 hanggang 1884 nag-aral si Pymonenko sa Akademya ng Sining ng San Petersburgo.[2] Sa taong iyon, kapwa ang kanyang mahinang kalusugan (maaaring bunga ng tuberkulosis) at kakulangan ng pera ang naging dahilan upang bumalik siya sa Kyiv, kung saan nakahanap siya ng trabaho bilang guro sa pagguhit sa isang pribadong paaralan.[4] Matapos isara ang paaralan noong 1901, lumipat siya sa Institutong Politekniko ng Kyiv ni Emperador Alejandro II. Mula 1906 nagturo siya sa Paaralan ng Sining ng Kyiv, at si Kazimir Malevich ang isa sa kanyang pinakakilalang estudyante.[5][6]
Noong 1897, tumulong si Pymonenko sa pagpapalamuti ng Katedral ni San Volodymyr sa Kyiv at iginawad ang Orden ni Santa Anna para sa kanyang trabaho roon. Mula 1893 naging miyembro siya ng Peredvizhniki,[2] at noong 1899 siya ay naging ganap na miyembro ng grupo, at pinangalanang isang 'akademiko' noong 1904.[7] Nanalo siya ng gintong medalya sa Salon noong 1909 para sa kanyang ipinakitang pintura na Hopak, na nasa Louvre na ngayon.[7] Bukod sa Louvre, pinag-iinteresan din ang gawain ni Pymonenko sa Alemanya. Noong 1904, nakuha ng isa sa mga museo ng Munich ang pinturang "Huwebes Santo". Ang Pambansang Museo ng Sining ay may kopya ng may-akda ng mas maliit na pintura mula sa pahuli ng d. 1900.
Namatay si Pymonenko noong 1912 pagkatapos magkasakit nang saglitan. Inilibing siya sa Libingan ng Lukyanivka. Naitampok sa kanyang postumong tanghalan noong 1913 sa Akademya ng Sining ang 184 pintura, 419 na dibuho at 112 na guhit-lapis. Isang kalye ang ipinangalan sa kanya noong 1959, at, noong 1997 itinatag ang isang museo na nakaalay sa kanya sa Malyutyanka, isang nayon na regular niyang binibisita bawat taon. May mga alternatibong bersyon ang ilan sa kanyang mga gawain, na ipininta sa mga iba't ibang taon.[8][9]
Reputasyon
baguhinInayawan si Pymonenko ng mga Peredvizhniki nang ang isa sa kanyang mga pintura, Uuwi, ay ginamit (tila walang pahintulot niya) ng Kompanya ng Shustov Vodka upang itaguyod ang kanilang spotykach (isang uri ng horilka). Inakusahan siya ng pagiging "korap" at napilitang siyang magsampa ng kaso sa kumpanya para matanggal ang imahe.[10]
Noong 1905, nagreklamo si Pymonenko sa kanyang kaibigan na si Lazarevsky: "Sinasabi nila (mga Ukranyo) na taksil ako, na hindi ko mahal ang aking tinubuang-bayan, na hindi ko ibinibigay ang kinakailangan na maputla ang aking mga plano, ngunit hindi totoo ang lahat ng ito, hindi totoo." Kumaway si Mykola Golubed: "Maliwanag sa mga salitang iyon na napinsala si Pymonenko bilang isang mamamayan, ngunit pinuri siya bilang isang pintor ng mga kritiko. Isang tunay na kawing si Pymonenko ng pagpipinta nina Shevchenko at Trutovsky."[11]
Galeriya
baguhin-
Mga Tagapareha (1882), Kovalenko Krasnodar Museo ng Panrehiyong Sining ng Kovalenko Krasnodar
-
Huwebes Santo (1887), Pambansang Museo ng Sining ng Ukranya
-
Mga Manghuhula sa Kapaskuhan (1888), Museo ng Rusya
-
Ang Mang-aani (1889), Pambansang Museo ng Sining ng Ukranya
-
Matines ng Paskwa (1891), Museo-Preserba ng Rybinsk
-
Isang biktima ng panatismo (c. 1899), Museo ng Sining, Kharkiv
-
Burador ng binatilyong nakasombrerong dayami (1905–1906), Pambansang Museo ng Barsobya
-
Flower Girl (1908), Pambansang Museo ng Sining ng Ukranya
-
Isang Usapan (bago mag-1912), Ang Museong Reserba ng Kasaysayan, Arkitektura & Sining ng Estado ng Kostroma
Talababa
baguhin- ↑ Noong ika-19 na siglo, ginagamit pa rin ng Rusya ang mga petsa sa lumang estilo, kaya itinala ang kanyang buhay mula 21 Marso 1862 – 25 Oktubre 1893.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Pymonenko, Mykola". www.encyclopediaofukraine.com. Nakuha noong 2022-12-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Popova 2003.
- ↑ Черкаська, Ганна (2018-04-21). "Микола Пимоненко. Щасливий шлюб". UAHistory (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong 2023-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brief biography [Maikling talambuhay] (sa wikang Ingles) @ Russian paintings.
- ↑ "Today is Kazimir Malevich's 144th anniversary - Ukrainian World Congress" [Ngayon ang ika-144 na anibersaryo ni Kazimir Malevich - Pandaigdigang kongresong Ukranyo]. www.ukrainianworldcongress.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "10 цікавих фактів про художника Казимира Малевича". vogue.ua (sa wikang Ukranyo). 2023-02-23. Nakuha noong 2023-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Konovalov 2008, p. 386.
- ↑ "Музеї «Музей М.Пимоненка» - інформація, події, карта, відгуки". kyivregiontours.gov.ua (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong 2023-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Ранок Христового Воскресіння" Миколи Пимоненка". localhistory.org.ua (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong 2023-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Як український художник відсудив вкрадену картину – «ПОРОХІВНИЦЯ»". porokhivnytsya.com.ua (sa wikang Ukranyo). 2021-07-17. Nakuha noong 2023-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Onatsky 1963, p. 1366.
Reperensiya
baguhin- Konovalov, Ėduard (2008). Новый полный биографический словарь русских художников [Ang Bagong Kumpletong Diksiyonaryong Biograpikal ng Mga Artistang Ruso]. Moscow: ĖKSMO. ISBN 978-5-699-20636-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Onatsky, E. (1963). "Микола Пимоненко" [Mykola Pymonenko] (PDF). Ukrainian Small Encyclopedia (sa wikang Ukranyo). Bol. 6. Buenos Aires: UAOC.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Popova, L. I. (2003). "Pimonenko, Mykola (Kornylevych) [Nikolay Kornil'yevich]". Grove Art Online (sa wikang Ingles). doi:10.1093/gao/9781884446054.article.T067694.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)