N'Djamena

(Idinirekta mula sa NDjamena)

Ang N'Djamena ( /ənɑːˈmnɑː/;[3][4] Pranses: N'Djaména; Arabe: انجميناInjamīnā) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Chad, isang bansa sa Aprika. Isa itong pantalan sa Ilog Chari malapit sa tagpuan nito at ng Ilog Logone. Tuwirang nakaharap ito sa bayan ng Kousséri sa Cameroon na ini-uugnay nito sa pamamagitan ng tulay. Isa rin itong natatanging katayuan na rehiyon na nahahati sa 10 mga arrondissement o distrito. Ito ay panrehiyon na pamilihan para sa mga domestikadong hayop, asin, datilero, at angkak. Ang mga pangunahing industriya ay pagpoproseso ng karne, isda at bulak. Nananatiling pusod ng gawaing ekonomiko ng Chad ang kabiserang lungsod.

N’Djamena

انجمينا Injamīnā

Fort-Lamy
Eskudo de armas ng N’Djamena
Eskudo de armas
N’Djamena is located in Chad
N’Djamena
N’Djamena
Kinaroroonan sa Chad at sa Aprika
N’Djamena is located in Aprika
N’Djamena
N’Djamena
N’Djamena (Aprika)
Mga koordinado: 12°8′5″N 15°3′21″E / 12.13472°N 15.05583°E / 12.13472; 15.05583
Bansa Chad
RehiyonN’Djamena
Lawak
 • Lungsod104 km2 (40 milya kuwadrado)
 • Metro
166 km2 (64 milya kuwadrado)
Taas
298 m (978 tal)
Populasyon
 (Senso 2009)[1]
 • Lungsod951,418
 • Kapal9,148/km2 (23,690/milya kuwadrado)
 • Metro
1,605,696
Sona ng oras+1
Kodigo ng lugar235
HDI (2017)0.553[2]
medium

Ang N’Djamena ay itinatag ng Pranses na komander na si Émile Gentil bilang Fort-Lamy noong 29 Mayo 1900, at ipinangalan mula kay Amédée-François Lamy, isang opisyal ng hukbo na napatay sa Labanan sa Kousséri ilang araw ang nakararaan.[5] Noon pa man ay isa na itong pangunahing lungsod ng pangangalakal at naging kabisera ng rehiyon at paglaon, ng bansa. Noong 6 Abril 1973, pinalitan ni Pangulo François Tombalbaye[5] ang pangalan nito sa N’Djamena (hango mula sa pangalang Arabe ng kalapit na nayon ng Niǧāmīnā na nagngangahulugang "place of rest" sa wikang Ingles) bilang bahagi ng kaniyang patakarang authenticité [en] ng Aprikanisasyon.

Heograpiya

baguhin
 
Retratong satelayt ng N'Djamena

Matatagpuan ang N’Djamena sa tugmaang pook na 12°6′47″N 15°2′57″E / 12.11306°N 15.04917°E / 12.11306; 15.04917, sa tagpuan ng mga ilog ng Chari at Logone.[6]

Bagamat pangunahin ay isa itong sentrong pampangasiwaan, kasama sa lungsod ang Nassara Strip na sentrong pangkomersiyo at mga pook pamahayan, tulad ng Mbololo, Chagoua, Paris Congo, at Moursal. Ang pangunahing abenidang pangkomersiyo sa lungsod ay ang Avenue Charles de Gaulle

Demograpiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
19379,976—    
194012,552+25.8%
194718,375+46.4%
196060,000+226.5%
1970130,000+116.7%
1993530,965+308.4%
2000728,000+37.1%
2009951,418+30.7%
20121,092,066+14.8%
20191,360,000+24.5%
Senso 2009:[1] 2019:[7]

Sa N’Djamena, humigit-kumulang sa 26 na bahagdan sa lugar lamang ay urbanisado. Karamihan sa mga naninirahan sa Chad ay nakatira sa kabiserang lungsod o sa rehiyon ng Logone Occidental sa bandang timog ng kabisera. Halos kalahati ng populasyon ay mas-mababa sa labinlimang taong gulang. Sa pangkat na ito, magkakapareho ang hati sa bilang ng mga kalalakihan at kababaihan. Bagamat ang pagkakahati sa pagitan ng mga kasarian, malaki ang pagkakaiba sa hati sa mga pangkat etniko at relihiyon.[8] Iba-ibang mga relihiyon ang isinasagawa sa lungsod, ngunit ang pinakapangunahin ay ang Islam. Ang pangunahing mga pangkat etniko ay: Daza (16.97%), Arabeng Tsadyan (11.08%), Hadjerai (9.15%), Ngambaye (6.41%), Bilala (5.83%), Kanembu (5.80%), Maba (4.84%), Kanuri (4.39%), Gor (3.32%), Kuka (3.20%), Sara (2.24%), and Barma (2.10%).

Mga kambal at kapatid na lungsod

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "World Gazetteer". Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 11 Enero 2013 at Archive.is
  2. "Sub-national HDI - Area Database - Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Definition of Ndjamena". The Free Dictionary. Nakuha noong 2014-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Define Ndjamena". Dictionary.com. Nakuha noong 2014-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Zurocha-Walske, Christine (2009). Chad in Pictures. Twenty-First Century Books. p. 17. ISBN 978-1-57505-956-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Zeleza, Tiyambe; Dickson Eyoh (2003). Encyclopedia of twentieth-century African history. Taylor & Francis. p. 379. ISBN 978-0-415-23479-5. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-19. Nakuha noong 2015-11-15. {{cite book}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Major Agglomerations of the World - Population Statistics and Maps". Citypopulation.de. Nakuha noong 2019-04-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Chad Population (2016) - World Population Review". worldpopulationreview.com. Nakuha noong 2016-10-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Toulouse-N'Djamena: une solidarité durable". Adequations (sa wikang Pranses). 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-03. Nakuha noong 30 Nobyembre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Ruso:Российско-чадские отношения (sa wikang Ruso). Russian Ministry of Foreign Affairs. 16 Pebrero 2009. Nakuha noong 2009-07-23. {{cite web}}: Invalid |script-title=: missing prefix (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)