Pagmamanupaktura

Gawang-kamay o de-makinang pamamaraan ng paggawa ng produkto sa industriya
(Idinirekta mula sa Nagmamanupaktura)

Ang pagmamanupaktura ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na materyal upang maging magagamit na mga produkto. Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng maraming mga paraan, katulad ng paggupit sa hindi kailangang mga piraso, pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o ginagamitan ng mga kimikal.[1]

Pagmamanupaktura ng kotse sa Tesla

Maaaring paraanin sa makinarya sa pabrika ang mga materyal, o sa paraang mekanikal. Ang pagmamanupaktura ay may kaugnayan sa mga katagang paggawa,[2] pagyari,[3] pagtahi-tahi, paghalo-halo[4] o pagkatha-katha ng mga produkto[5] na karaniwang ginagawa sa loob ng mga pabrika.

Kasali sa kontemporaryong pagmamanupaktura ang lahat ng mga intermedyaryong yugto sa paggawa at pagsasama ng mga bahagi ng isang produkto. Ginagamit sa halip, ng ilang industriya, tulad ng mga tagagawa ng mga semikonduktor at bakal, ang salitang pabrikasyon.[6]

Estratehiya ng pagmamanupaktura

baguhin

Ayon sa isang "tradisyonal" na pananaw ng pagmamanupaktura, may limang pangunahing dimensyon kung saan maisusuri ang pagmamanupaktura: gastos, kalidad, pagkamaaasahan, pakikibagay at inobasyon.[7]

Mga pangunahing bansa sa pagmamanupaktura

baguhin

Ayon sa Organisasyon sa Pagpapaunlad ng Industriya ng Mga Nagkakaisang Bansa (UNIDO), Tsina ang pabrikante na may pinakamataas na produksiyon sa buong mundo noong 2023, na nagprodyus ng 28.7% ng kabuuang pandaigdigang produksiyon sa pagmamanupaktura, kasunod ng Estados Unidos, Alemanya, Hapon, at Indiya.[8][9]

Naglalathala rin ang UNIDO ng Indise ng Mapagkompitensiyang Pagganap sa Industriya (CIP), na sumusukat sa kakayahang makipagkompitensiya sa pagmamanupaktura ng iba't ibang bansa. Pinagsasama ng Indiseng CIP ang kabuuang output ng bansa sa pagmamanupaktura sa iba pang mga salik tulad ng kakayahan nito sa mataas na teknolohiya at ng impluwensiya nito sa pandaigdigang ekonomiya. Nanguna ang Alemanya sa Indiseng CIP ng 2020, na sinundan ng Tsina, Timog Korea, Estados Unidos, at Hapon.[10][11]

Talaan ng mga bansa ayon sa output sa pagmamanupaktura

baguhin

Ito ang nangungunang 50 bansa batay sa kabuuang halaga ng output ng pagmamanupaktura sa dolyar ng US para sa nabanggit na taon ayon sa Bangkong Pandaigdig:[12]

List of countries by manufacturing output
Ranggo Bansa o rehiyon Halaga (sa milyun-milyong US$) Taon
 Mundo 16,182,038 2023
1   Tsina 4,658,782 2023
2   Estados Unidos 2,497,132 2021
3   Alemanya 844,926 2023
4   Hapon 818,398 2022
5   Indiya 709,990 2023
6   Timog Korea 562,389 2023
7   Mehiko 460,728 2023
8   Italya 354,722 2023
9   Pransiya 294,465 2023
10   Brasil 289,791 2023
11   Reyno Unido 284,063 2023
12   Indonesya 255,962 2023
13   Rusya 251,577 2023
14   Turkiya 215,038 2023
15   Irlanda 186,525 2023
16   Espanya 181,592 2023
17   Suwisa 160,232 2023
18   Saudi Arabia 157,876 2023
19   Kanada 149,268 2020
20   Polonya 131,712 2023
21   Olanda 130,225 2023
22   Taylandiya 128,271 2023
23   Arhentina 104,386 2023
24   Biyetnam 102,628 2023
25   Banglades 97,727 2023
26   Australya 92,893 2023
27   Malasya 92,117 2023
28   Singapura 88,498 2023
29   Iran 82,641 2022
30   Austriya 80,816 2023
31   Suwesya 77,456 2023
32   Belhika 75,079 2023
33   Pilipinas 70,896 2023
34   Republikang Tseko 70,732 2023
35   Ehipto 59,642 2023
36   Beneswela 58,237 2014
37   Dinamarka 56,283 2023
38   Niherya 55,742 2023
39   Porto Riko 53,769 2023
40   Israel 49,658 2021
41   Emiratos Arabes Unidos 49,317 2022
42   Timog Aprika 48,809 2023
43   Rumanya 47,923 2023
44   Pakistan 45,936 2023
45   Pinlandiya 44,966 2023
46   Kolombya 39,595 2023
47   Unggriya 36,403 2023
48   Portugal 34,296 2023
49   Kasakistan 32,148 2023
50   Tsile 30,889 2023

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Manufacturing". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., tomo para sa titik na M, pahina 83.
  2. "Laser Marking Machine Manufacturer". Nakuha noong 10 Marso 2023.
  3. Blake, Matthew (2008). "Manufacture". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
  4. "Premier Toll Manufacturer". Vitamen Beverage Concept (VBC). 2022-10-27.
  5. Gaboy, Luciano L. Manufacture - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  6. Thadani, Akhil; Allen, Gregory C. (2023-05-30). "Mapping the Semiconductor Supply Chain: The Critical Role of the Indo-Pacific Region" [Pagmamapa ng Daloy ng Suplay ng Semikonduktor, Ang Napakahalagang Papel ng Rehiyong Indo-Pasipiko]. CSIS (sa wikang Ingles).
  7. Hayes, R. H., Wheelwright, S. C. and Clark, K. B. (1988), Dynamic Manufacturing [Dinamikang Pagmamanupaktura] )sa wikang Ingles), New York: The Free Press, sinipi sa Wassenhove, L. van at Corbett, C. J., "Trade-Offs? What Trade Offs? (A Short Essay on Manufacturing Strategy" [Mga Trade-Off? Anong Mga Trade Off? (Isang Maikling Sanaysay sa Estratehiya ng Pagmamanupaktura] (sa wikang Ingles), pa. 1, INSEAD, nailathala noong Abril 6, 1991, nakuha noong Setyembre 27, 2023
  8. "UNIDO Statistics Data Portal" [Portada ng Estadistikang Datos ng UNIDO] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 5, 2021. Nakuha noong Oktubre 5, 2021.
  9. "Leading Manufacturing Nations" [Mga Nangungunang Bansa sa Pagmamanupaktura] (sa wikang Ingles). Hulyo 15, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 4, 2022. Nakuha noong Marso 14, 2022.
  10. "UNIDO's Competitive Industrial Performance Index 2020: Country Profiles" [Indise ng Mapagkompitensiyang Pagganap sa Industriya ng UNIDO noong 2020: Mga Perpil ng Bansa]. unido.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 6, 2022. Nakuha noong Hunyo 21, 2022.
  11. "Competitive Industrial Performance Index 2020: Country Profiles ( Report)" [Indise ng Mapagkompitensiyang Pagganap sa Industriya ng 2020: Mga Perpil ng Bansa (Ulat)]. stat.unido.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 10, 2022. Nakuha noong Hunyo 21, 2022.
  12. "Manufacturing, Value Added (Current US$)" [Pagmamanupaktura, Halagang Idinagdag (Kasalukuyang US$)] (sa wikang Ingles). World Bank. Inarkibo mula sa orihinal noong January 7, 2020. Nakuha noong July 14, 2021.