Nagsasariling Unibersidad ng Santo Domingo

Ang Universidad Autónoma de Santo Domingo (UASD) o Nagsasariling Unibersidad ng Santo Domingo (Ingles: Autonomous University of Santo Domingo) ay isang pampublikong unibersidad sa Republikang Dominikano na may pangunahing kampus sa Ciudad Universitaria ng Santo Domingo at may mga rehiyonal na kampus sa maraming mga lungsod ng Republika. Ito ay itinatag nina Jose Gabriel Garcia at Emiliano Tejera sa 1866 bilang Professional Institute, na kapalit ng dating Universidad de Santo Tomás de Aquino, ang unang unibersidad ng Kanlurang Hemispero (Amerika), na di-opisyal na itinatag ng isang Papal bull noong 1538, naging opisyal sa isang maharlikang atas noong 1558, at isinarado noong 1822. Ito ay pinalitan ng pangalan bilang Unibersidad ng Santo Domingo noong 1914.

Universidad Autónoma de Santo Domingo
SawikainNeo Mundi Decanatus (Latin)
Sawikain sa InglesDean of the New World
Itinatag noongOktubre 28, 1538
UriPubliko
RektorIvan Grullon
Mag-aaral170,530 (2010)
Lokasyon
KampusUrban
KulayBlue and white          
PalayawUASD
Websaythttp://www.uasd.edu.do

Sa istruktura, sinusundan ng paaralan ang modelo ng Unibersidad ng Alcalá de Henares. Ang unibersidad ay inorganisa sa apat na mga paaralan: Medisina, Batas, Teolohiya, at Sining. Ngayon, ang Unibersidad ay pinalawak na sa walong paaralan: Humanidades, Sining, Batas at Agham Pampulitika, Agham Pangkalusugan, Ekonomiks at Agham Panlipunan, Agham, Enhinyeriya at Arkitektura, at Agham Pang-agrikultura.

Ang Aklatang Pedro Mir 

Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.