Nakunan
Ang nakunan o kunan ay ang likas na pagtatapos o pagkabigo ng pagdadalangtao o pagbubuntis ng isang babae, tao man o hayop. Sa tao, nagaganap ito kung nangyari ang hindi sinasadyang pagkalaglag ng sanggol (ang fetus) mula sa sinapupunan ng ina bago sumapit ang wakas o katapusan ng ika-dalawampu't pitong linggo.[1] Sa mahigpit na kahulugan, ito ang naganap na hindi sinasadyang pagtatapos ng pagkabuntis sa pagitan ng hulihan ng ika-labindalawang linggo at katapusan ng ika-dalawampu't pitong linggo, o ang pagkawala o pagkahulog ng namumuo pang sanggol sa wakas ng ika-labindalawang linggo.[1] Tinatawag din itong agas (hindi sinasadya), pagkaagas, hindi sinasadyang aborsyon, pagkakakunan, (hindi inaasahang) pagkalaglag, o pagkabigo (sa pagbubuntis).[2]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Miscarriage". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 511. - ↑ Gaboy, Luciano L. Miscarriage - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.