Si Narmer ay isang paraon ng Panahon ng simulaing pangdinastiya ng Ehipto (ca. ika-31 siglo BCE).[1] Siya ay pinaniniwalaan na kahalili ng mga paraon ng Panahong protodinastiko ng Ehipto na si Haring Alakdan (o Selk) at/o Ka. Siya ay itinuturing na tagapag-isa ng Ehipto at tagapagtatag ng Unang dinastiya ng Ehipto at kaya ang unang paraon ng nagkaisang Ehipto. Ang kaniyang pagkakakilanlan ay paksa ng patuloy na debate bagaman sa nananaig na Ehiptolohiya[2][3][4] siya ay kinikilala bilang si paraon Menes. Siya ay binibigyan rin ng kredito sa pag-iisa ng Sinaunang Ehipto bilang unang paraon. Ito ay batay sa Paletang Narmer na nagpapakita at naglalarawan kay Narmer bilang tagapag-isa ng Ehipto at ang dalawang mga selyo ng nekropolis mula sa Abydos na nagpapakita sa kaniya bilang unang hari ng Unang dinastiya ng Ehipto.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Wilkinsonn 1999: 67
  2. Lloyd 1994: 7
  3. Edwards 1971: 13
  4. Cervelló-Autuori 2003: 174

Mga panlabas na kawing

baguhin