Si Nat Turner o Nathaniel Turner (Oktubre 2, 1800 – Nobyembre 11, 1831) ay isang Aprikano Amerikanong alipin na namuno sa isang panghihimagsik laban sa pang-aalipin na naging sanhi ng karamihan sa bilang ng mga nasawi noong antebelo pang katimugang Estados Unidos o panahon bago magkaroon ng digmaang sibil sa Amerika. Nangalap siya ng mga sumusuporta sa Southampton County, Virginia. Naging kontobersyal ang kanyang pamana sa lipunan dahil sa kanyang maparaang pagpaslang sa mga sibilyang puti ang kulay ng balat.

Si Nat Turner.

Sa araw ng pagsilang, itinala lamang ng kanyang panginoon ang kanyang ibinigay na pangalang Nat, bagaman maaaring nagkaroon siya ng isang apelyido sa loob ng pamayanang inalipin. Ayon sa nakagawian, tinutukoy siya ng puting pamayanan ayon sa apelyido ng kanyang amo, si Samuel Turner. Naging kaugalian din ng susunod pang mga manunulat ng kasaysayan ang ganitong gawi sa pagpapangalan.

Noong 2002, itinala ng iskolar na si Molefi Kete Asante ang pangalan ni Nat Turner sa kanyang listahan ng 100 Greatest African Americans o "100 Pinakadakilang mga Aprikano Amerikano.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. Asante, Molefi Kete (2002). 100 Greatest African Americans: A Biographical Encyclopedia, Amherst, NY: Prometheus Books. ISBN 1-57392-963-8.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.