Natan
Si Natan o Nathan ay isang propetang Hebreong naglingkod bilang tagapayo ni Haring David at Solomon ng Israel. Pinagalitan niya si David dahil sa pagkuha o pagtangay nito kay Batsheba, na asawa ni Uriah. Siya ang pumili kay David, katulong ang paring si Zadok, sa akmang panahon upang mapigilan si Adonijah na kuhanin ang trono. Nahikayat ni Nathan si David na antalahin ang pagtatayo ng templo sa Herusalem hanggang sa pagsapit ng pamumuno ni Solomon. Siya rin ang nagtala ng mga kasaysayan ng mga paghahari nina David at Solomon.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Nathan". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Dictionary Index ng titik N, pahina 431.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.