Pilosopiya: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Ludimer (usapan | ambag)
Ludimer (usapan | ambag)
Linya 62:
Ang pilosopiya ay mula sa salitang [[Wikang Latin|Latin]] na ''philosophia'' (bigkas /pi lo so pi ya/) na nagmula naman sa [[wikang Griyego]] na ''filosofía'' ([[Alpabetong Griyego|sulat Griyego]]: φιλοσοφία). Literal na nangangahulugang “pag-ibig sa karunungan” (''filein'' = ‘ibigin’ + ''sofía'' = ‘karunungan’, sa pakahulugan na malalim at malawak na pagkaunawa sa antas na pangkaisipan) ang salitang "pilosopiya". Hindi kailangang tungkol sa kahulugan ang [[Etimolohiya]], ngunit tila napag-isipan ng mga [[Sinaunang Gresya|sinaunang Griyego]] na gawin itong isang pangunahing gawain na maraming sinasakop, o isang paraan upang harapin ang buhay, kaysa mga tiniyak na kalipunan ng mga katanungang pinag-aaralan.
 
Ipinalalagay na mula sa Griyegong palaisip na si [[Pythagoras|Pitágoras]] (Pythagoras) (basahin ang [[Diogenes Laertius]]: "De vita et moribus philosophorum", I, 12; [[Cicero]]: "Tusculanae disputationes", V, 8-9) ang paggamit ng mga salitang "pilosopo" at "pilosopiya". Tiyak na ibinatayNakabatay ang palagay na ito sa bahagi ng isang nawawalang akda ni [[Herakleides Pontikos]], isang mag-aaral ni [[Aristoteles]]. Ipinapalagay itong isang bahagi ng mga laganap na alamat ni Pitagora nang panahong iyon. Katunayan, hindi ginagamit ang salitang "pilosopiya" noong matagal na panahon bago pa si [[Platon]].
 
"Pilosopo" ang ipinalit sa salitang "sopista" (mula sa ''sofoi''), na ginagamit upang tukuyin ang "mga matatalinong tao", mga guro ng [[retorika]], na mga pinapahalagahan sa [[demokrasya ng Atenas]]. Maaari nating tawaging mga pilosopo ang ilan sa mga pinakakilalang ''[[sopista]]'', ngunit madalas na ginagamit sa mga usapan/diyalogo ni [[Platon]] ang dalawang salita upang ipakita ang pagkakaiba ng mga taong inialay ang sarili sa karunungan (mga pilosopo) sa mga taong mayabang na ipinagsasabiipinapakilala naang meronsarili silangnila karununganbilang mga tong ma katalinuhan, (mga sopista). Madalas na ilarawan ni [[Sokrates]] (ayon sa paglalahad ni Platon) na walang kakayanan at mapagpanggap ang mga sopista, na gustong itago ang kanilang kabobohan sa likod ng pambobola at paglalaro sa salita, kung kaya napapapaniwala nila ang ibang tao sa mga bagay na walang basehan at hindi totoo. Hanggang sa ngayon, ginagamit na pang-insulto ang salitang "sopista" para sa isang tao na nanghihikayat lamang kaysa nagbibigay-katwiran.
 
Ayon sa sinaunang pang-unawa at mga akda ng (ilan sa) mga sinaunang pilosopo, saklaw ng pilosopiya ang ''lahat'' ng pinagsisikapan ng pag-iisip. Kabilang dito ang mga suliranin ng pilosopiya ayon sa pagkakaintindi natin sa ngayon; ngunit kabilang dito ang marami pang pag-aaral, tulad ng [[purong matematika]] at mga [[agham-pangkalikasan]] tulad ng pisika, astronomiya at biyolohiya.