Balani: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 9:
{{main|Batas ng unibersal na grabitasyon ni Newton}}
[[Talaksan:NewtonsLawOfUniversalGravitation.svg|thumb|right|Pormula ng batas ng unibersal na grabitasyon ni [[Isaac Newton]]]]
Noong 1687, ang [[matematiko]]ng Ingles na si [[Isaac Newton]] ay naglimbag ng [[Principia]] na nagmungkahi ng kabaligtarang-batas kwadrado ng unibersal na grabitasyon. Ang teoriyang ito ni Newton ay nagtamasa ng pinakadakilang tagumpay nang ito ay gamitin upang hulaan ang eksistensiya ng [[Neptune]] batay sa mga mosyon ng [[Uranus]] na hindi maipapaliwanag sa pamamagitan ng mga aksiyon ng ibang mga planeta. Ang mga kalkulasyon ng parehong sina John Couch Adams at Urbain Le Verrier ay humula ng pangkalahatang posisyon ng planetang ito at ang mga kalkulasyon ni Le Verrie ang tumungo sa pagkakatuklas ni Johann Gottfried Galle ng Neptune. Ang pagkakaiba sa [[orbito]] ng planetang [[Mercury]] ang nagturo sa kamalian ng teoriya ni Newton. Sa dulo ng ika-19 na siglo, nabatid na ang orbito ay nagpakita ng kaunting mga [[perturbasyon]](pagkagulo) na hindi buong maipapaliwanag ng teoriya ni Newton ngunit ang lahat ng mga paghahanap sa isang pang katawang(body) nagugulo gaya ng isang planetang umikot sa [[araw]] na mas malapit kesa sa Mercury ay hindi naging mabunga. Ang isyung ito ay nalutas noong 1916 ng [[teoriyang pangkalahatang relatibidad]] ni [[Albert Einstein]] na nagpaliwanag ng maliit na pagkakaiba sa orbito ng planetang Mercury.
 
=== Pangkalahatang relatibidad ===
[[Talaksan:spacetime curvature.png|thumb|right|300px|Sa [[pangkalahatang relatibidad]], ang grabidad ay kurbada na dulot ng presensiya ng materya sa [[espasyo-panahon]]. Ang kurbadong landas ang [[orbito]] na sinusundan ng buwan sa pag-ikot nito sa mundo.]]