Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pamantayang Modelo"

walang buod ng pagbabago
[[Image:Standard Model of Elementary Particles.svg|thumb|300px|Ang Pamantayang Modelo ng mga elementaryong partikulo.]]
Ang '''Pamantayang Modelo''' ng [[pisikang partikulo]] ang [[teoriyang siyentipiko]] na nauukol sa mga interaksiyong [[elektromagnetismo|elektromagnetiko]], [[interaksiyong mahina|mahina]] at [[interaksiyong malakas|malakas]] na namamagitan sa dinamika ng mga alam na subatomikong partikulo. Ang kasalukuyang pormulasyon nito ay nakumpleto noong mga 1970 sa kompirmasyon sa mga eksperimento ng pag-iral ng mga [[quark]]. Simula nito, ang pagkakatuklas ng mga partikulong ilalim na quark, itaas na quark at tau neutrino(2000) ang karagdagang nagbigay kredensiya sa teoriyang ito. Ang kamakailang maliwanag na deteksiyon ng [[Higgs boson]] noong 2011-2012 ay kumukumpleto sa mga hinulaang partikulo ng teoriyang ito. Ang Pamantayang Modelo ay nagkukulang sa pagiging kumpletong teoriya ng mga pundamental na interaksiyon dahil sa hindi nito pagsasama ng buong teoriya ng [[grabitasyon]] gaya ng inilalarawan ng [[pangkalahatang relatibidad]] o humuhula sa papabilis na paglawak ng uniberso na posibleng inilalarawan ng enerhiyang madilim. Ang teoriya ay hindi naglalaman ng anumang partikulo na materyang madilim na nag-aangkin ng lahat ng mga katangian na mahihinuha mula sa pagmamasid sa kosmolohiya. Ito ay hindi rin tamang nagpapaliwanag ng mga osilasyong neutrino at mga hindi sero nitong masa. Bagaman pinaniniwalaang konsistente sa sarili, ito ay may ilang maliwanag na mga hindi natural na katangiang na nagpapalitaw ng mga palaisipan gaya ng problemang malakas na CP at ang probelamang hierarka. Gayunpaman, ang Pamantayang Modelo ay mahalaga sa mga pisikong teoretikal at eksperimental. Para sa mga teorista, ang Pamantayang Modelo ang paradigm ng [[teoriyang quantum field]] na nagpapakita ng isang malawak na saklaw ng pisika kabilang ang kusang loob na pagkasira ng simetriya, mga anomalya, pag-aasal na hindi perturbatibo etc. Ito ay ginagamit bilang basehan ng pagtatayo ng mas eksotikong mga modelo na nagsasama ng mga partikulong hipotetikal, ekstrang dimensiyong, at mga simetriya gaya ng supersimetriya sa pagtatangkang ipaliwanag ang mga resulta ng eksperimento na iba sa Pamantayang Model gaya ng pag-iral ng materyang madilim at mga osilasyong neutrino. Ang mga nag-eeksperimento ay nagsama naman ng Pamantayang Modelo sa mga simulado upang makatulong sa paghahanap ng bagong pisika na lagpas sa Pamantayang Modelo. Ang Pamantayang Modelo ay nakahanap ng mga aplikasyon sa larangang gaya ng astropisika, kosmolohiya at pisikang nukleyar.
==Nilalaman==