Sinaunang Malapit na Silangan: Pagkakaiba sa mga binago
Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag) No edit summary |
Atn20112222 (usapan | ambag) |
||
Linya 71:
|}
==Kasaysayan==
Ang mga anatomikong modernong [[homo sapiens]] ay naipakita sa area ng [[Bundok Carmel]] noong Gitnang [[Paleolitiko]] na may petsang mula ca. 90,000 BCE. Ang [[Ebolusyon ng tao|paglipat na ito mula sa Aprika]] ay tila hindi naging matagumpay at noong mga 60,000 BCE sa Israel/Syria lalo na sa [[Amud]], ang klasikong mga pangkat ng [[Neanderthal]] ay tila nakinabang mula sa papalalang klima na pumalit sa mga [[homo sapiens]] na tila nakarestriktong muli sa Aprika. <ref name="amud">{{cite web | url=http://www.britannica.com/eb/article-9007286/Amud | title=Amud | publisher=Encyclopædia Britannica | accessdate=2007-10-11 }}</ref> Ang ikalawang paglisan mula sa Aprika ay naipakita ng kulturang Itaas na Paleolitiko na [[Boker Tachtit]] mula 52,000 BCE hanggang 50,000 BCE na may mga tao sa lebel [[Ksar Akil]] XXV na mga modernong tao.<ref>Marks, Anthony (1983)"Prehistory and Paleoenvironments in the Central Negev, Israel" (Institute for the Study of Earth and Man, Dallas)</ref> Ang kulturang ito ay kamukha ng kulturang [[Badoshan Aurignacian]] ng Iran at ng kalaunang kulturang
===Panahong Tanso===
Ang unang mga siyudad ay nagsimulang umunlad sa katimugang [[Mesopotamia]] noong 4000 BCE. Sa mga siyudad na ito, ang mga ugnayan ng [[relihiyon]] ay nagsimulang pumalit sa ugnayang magkakamag-anak bilang basehan ng lipunan. Noong yugtong [[Uruk]], ang mga kolonista at mangangalakal mula sa katimugang Iraq ay nagtatag ng mga mahahalagang kwarter sa mga tirahan sa buong katimugang bahagi ng rehiyong Levant(halimbawa ang Amuq). Sa katimugang Iraq, ang bawat siyudad ay may patrong [[diyos]] na sinamba sa isang malawak na sentral na templong tinatawag na [[ziggurat]] at pinamumunuan ng isang [[saserdote]]-hari(ishakku). Ang lipunan ay naging mas segmentado at espesyalisado at may kakayahang sa mga sama samang proyekto tulad ng irigasyon at digmaan. Kasama ng mga siyudad ay dumating ang ilang mga pagsulong sa teknolohiya. Noong mga 3100 BCE, ang pagsulat, gulong at ibang pang mga inobasyon ay ipinakilala. Sa panahogn ito, ang mga taong [[Sumerian]] ng timog Mesopotamia ay lahat organisado sa iba't ibang mga independiyenteng [[estadong-siyudad]] gaya ng [[Ur]] at [[Uruk]] at noong mga 2600 BCE ay nagsimulang magsanib sa mas malaking mga unit na politikal. Sa pagaangkop ng mga diyos ng mga sinakop nito, ang relihiyon ay naging mas [[politeistiko]] at ang pamahalaaan aynaging mas [[sekular]]. Ang titulong lugal, malaking tao ay lumitaw kasama ng mas maagang mga titulong relihiyos bagaman ang pangunahing tungkulin ay sumamba pa rin sa mga diyos ng estado. Ang prosesong ito ay dumating sa natural na konklusyon nito sa pag-unlad ng unang mga [[imperyo]] noong 2400 BCE. Ang mga taong tinatawag na mga [[Akkadian]] ay sumakop sa lambak sa ilalim ni [[Sargon I]] at nagtatag ng kanilang supremasya sa mga Sumerian at sumaklaw ng kanilang kontrol hanggang sa Syria sa mga baybayin. Ito ay nasundan ng paglawig ng kulturang kalakal na Kerak na nagpapakita ng mga apinidad sa [[Caucaus]] at posibleng nauugnay sa kalaunang paglitaw ng mga [[Hurrian]]. Ito ay kasabay ng mga imperyo ng [[Ur]] noong 2200 BCE at 2100 BCE at ang [[Lumang Kahariang Babilonia]] noong 1800 BCE at 1700 BCE. Sa panhong ito, ang mga [[Kahariang Yamkhad]] sa [[Euphrates]] at [[Qatna]] sa [[Orontes]] ay mahahalagang mga estadong-siyudad ng rehiyong Syria. Samantala, mga katugmang pag-unlad ay nangyayari sa Ehipto na noong 3200 BCE ay naging isa sa [[Lumang Kaharian ng Ehipto]] at sa mga tao ng [[Lambak Indus]] sa hilagang-kanlurang India. Ang lahat ng mga kabihasnan ito ay nasa mayabong na mga lambak ilog kung saan ang agrikultura ay madali kapag ang mga dam at irigasyon ay naitayo upang kontrolin ang mga bahang tubig. Ito ay nagsimulang magbago noong wakas ng 3000 BCE habang ang mga siyudad ay nagsimulang kumalat sa kalapit sa mabundok na kawntry: sa mga [[Assyrian]] sa hilagang Mesopotamia, ang mga [[Cananeo]] sa Syria-Palestina, sa mga Minoan sa Creta at sa mga [[Hittie]] sa silangang Anatolia. Sa parehong panahon, ang iba't ibang mga imigrante gaya ng mga Hittite sa Anatoli at mga Griyegong Mycenean ay nagsimulang lumitaw sa mga labas na hangganan ng kabihasnan. Ang mga pangkat na ito ay nauugnay sa paglitaw ng magaan na may dalawang gulon na [[chariot]] ng digmaa at sa mga wikang Indo-Europeo. Ang mga kabayo at mga chariot ay nangangailangan ng maraming panahon at pananatili kaya ang paggamit ng mga ito ay pangunahing nakarestrikto sa isang maliit na nobilidad. May mga heroikong lipunan na pamilyar mula sa epiko tulad ng [[Iliad]] at ang [[Ramayana]]. Noong mga 1700 BCE at 1600 BCE, ang karamihan ng mas matandang mga sentro ay natabunan. Ang [[Babilonia]] ay nasako ng mga [[Kassite]] at ang kabihasna sa Lambak Indus ay pabagsak sanhi ng klima. Ang isang pang pangkat na [[Mitanni]] ay nagpasuko sa [[Assyria]] at sa isang panahon ay banta sa kahariang Hittite ngunit natalo ng dalawang ito noong gitna ng 1400 BCE. Ang iba't ibang mga kahariang Achaean ay umunlad sa Gresya na ang pinakakilala ang Mycenae at noong 1500 BCE ay nanaig sa mas matandang mga siyudad na Minoan. Ang mga Semitikong [[Hyksos]] ay gumamit ng mga bagong teknoloiya upang sakupin ang Ehipto ngunit napalayas na nag-iiwan sa imperyo ng [[Bagong Kaharian ng Ehipto]] na umunlad. Mula 1550 BCE hanggang 1100 BCE, ang karamihan ng Levant ay nasakop ng Ehipto na naoong huling kalahati ng panahong ito ay nakipagtalo sa Syria sa imperyong Hittite. Sa wakas ng 1300 BCE, ang lahat ng mga kapangyarihang ito ay biglaang gumuho. Ang mga siyudad sa buong silanganing Mediterraneo ay nilusob sa loob ilang mga dekate ng iba't ibang mga mananalakay. Pinalayas ng Ehipto ang mga mananalakay nito at sa sumunod na siglo ay lumiit sa sakop ng teritoryo nito at ang sentral na autoridad nito ay permanenteng humina. Ang tanging Assyria at Ehitpo ang nakatakas sa malaking pinsala.
|