Kompyuter: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag)
Atn20112222 (usapan | ambag)
Linya 20:
Ang unang nakokontrol ng programang kompyuter ay inimbento ng Aleman na si [[Konrad Zuse]] na gumawa ng [[Z3]] na isang elektromekanikal na kumkwentang makina noong 1941. Ang unang mapoprogramang elektronikong kompyuter ang [[Colossus]] na ginawa noong 1943 ni [[Tommy Flowers]]. Si [[George Stibitz]] ay internasyonal na kinikilala bilang ama ng modernong dihital na kompyuter. Habang nagtatrabaho sa Bell Labs noong 1937, inimbento ni Stibitz ang isang nakabatay sa relay na kalkulador na tinaguriang "Model K" (para sa "kitchen table" kung saan niya ito binuo) na ang unang gumamit ng mga binaryong sirkito upang magsagawa ng aritmetikong operasyon. Ang mga kalaunang modelo ay nagdagdag ng mas malaking sopistikasyon kabilang ang masalimuot na aritmetika at pagpoprograma. Ang ilang mga debeloper ng ENIAC sa pagkilala ng mga depekto nito ay nakaisip ng mas mababago at eleganteng disneyo na nakilalang "inimbak na programang arkitektura" o [[arkitekturang von Neumann]]. Ang disenyong ito ay unang pormal na inilarawan ni [[John von Neumann]] sa unang drapto ng isang ula tng EDVAC na ipinamahagi noong 1945. Ang isang bilang ng mga proyekto na bumuo ng mga kompyuter batay sa nakaimbak na programang arkitektura ay nagsimula sa mga panahong ito. Ang una ay nakumpleto noong 1948 sa University of Manchester sa England na Manchester Small-Scale Experimental Machine (SSEM or "Baby"). Ang Electronic Delay Storage Automatic Calculator (EDSAC) na nakumpleto pagkatapos ng isang tao pagkatapos ng SSEM sa Cambridge University ang unang praktikal, hindi eksperimental na implementasyon ng nakaimbak na programang disenyo at agad na ginamit para sa pagsasaliksik sa unibersidad. Sa sandaling pagkatapos nito, ang makinang orihinal na inilarawan ng papel ni von Neumann-EDVAC ay nakumpleto ngunit hindi nakakita ng buong paggamit para sa karagdagang dalawang taon. Ang halos ng lahat ng mga modernong komputer ay nag-iimplemente ng isang anyo ng nakaimbak na programang arkitektura na gumagawa ritong isang katangian na naglalarawan sa kompyuter. Bagaman ang mga teknolohiyang ginagamit sa mga kompyuter ngayon ay dramatikong nagbago simula nang unang elektronikong pangkalahatang paggamit ng mga kompyuter noong mga 1940, ang karamihan ay gumagamit pa rin ng arkitekturang von Neumann. Simula mga 1950, ang mga siyentipikong Soviet na sina [[Sergei Sobolev]] at [[Nikolay Brusentsov]] ay nagsagawa ng pagsasaliksik tungkol sa mga ternaryong kompyuter na pinapatakbo sa baseng tatlong sistema ng bilang na −1, 0, at 1 sa halip na sa konbensiyal na binaryong sistema ng bilang na ang karamihan ng mga kompyuter ay nakabatay. Kanilang dinisenyo ang Setun na isang gumaganang ternaryong kompyuter sa Moscow State University. Ang kasangkapan ay inilagay sa isang limitadong produktsiyon sa [[Sovite Union]] ngunit napalitan ng mas karaniwang binaryong arkitektura. Ang mga kompyuter na gumagamit ng mga vacuum tube sa mga sangkapt nito ay ginamit sa buong mga 1950 ngunit noong mga 1960 ay malaking pinalitan ng nakabase sa [[transistor]] na mga kompyuter na mas maliit, mas mabilis, mas mura at nangangailangan ng kaunting elektrisidad at mas maasahan. Ang unang may transistor na kompyuter ay ipinakita sa University of Manchester noong 1953. Noong mga 1970, ang integrated circuit at kalaunang pagkakalikha ng mga mikroprosesor gaya ng [[Intel 4040]] ay karagdagan nagpaliit ng sukat at gastos at karagdagang nagpabilis at pagiging maasahan ng mga kompyuter. Noong mga huli nang 1970, maraming produkto gaya ng mga video recorder ay naglalaman ng mga dedikadong mga kompyuter na tinatawag na mga microcontroller. Ang mga ito ay nagsimulang pumalit sa mga mekanikal na kontrol sa mga domestikong appliance gaya ng mga washing machine. Ang 1980s ay nakasaksi ng mga kompyuter na pambahay at ngayon ay personal na kompyuter.
==Pagpoprograma ng kompyuter==
[[Talaksan:FortranCardPROJ039.agr.jpg|thumb|right|Ang isang 1970 na [[binutasang kard]] na naglalaman ng isang linya mula sa programang [[FORTRAN]]. Ang kard ay mababasang "Z(1) = Y + W(1)" at tinawag na "PROJ039" sa mga layuning pagtukoy.]]
Ang naglalarawang katangian ng mga modernong kompyuter na nagtatangi ng mga ito mula sa ibang mga makina ay ang kakayahan nitong maprograma o mabigyan ng mga instruksiyon o kautusan([[programa ng kompyuter]]) na mapoproseso nito. Ang mga modernong kompyuter na nakabatay sa [[arkitekturang von Neumann]] ay kadalasang may [[machine code]] sa anyo ng imperatibong [[wikang pamprograma]]. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga instruksiyon sa kompyuter ay simple. Halimbawa ay ang pagdaragdag ng isang bilang sa isa pang bilang, paglipat ng ilang datos mula sa isang lokasyon ng memorya sa iba pang lokasyon, magpadala ng mensahe sa ilang panlabas na kasangkapan at iba pa. Ang mga ito ay binabasa ng CPU sa memorya ng kompyuter at isinasagawa sa pagkakasunod na ibinigay ng programa. May mga espesyalisadong instruksiyong upang utusan ang kompyuter na tumalon ng pasulong o paurong sa isang lugar ng programa at isagawa ang programa mula doon. Ang mga ito ang mga instruksiyong pagtalon na maaaring isagawa ng batay sa isang kondisyon batay sa resulta ng nakarang kalkulasyon o panlabas na pangyayari. Maraming mga kompyuter ang direktang sumusuporta sa mga subrutina o punsiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang uri ng pagtalon na makakaalala ng lokasyong pinaglugdagan nito at isa pang instruksiyon upang bumalik sa instruksiyong kasunod ng instruksiyong pagtalon. Sa pagkukumpara, ang isang taong gumagamit ng isang kalkulador na pangbulsa ay maaaring magsagawa ng isang aritmetikong operasyon gaya ng pagdaragdag ng dalawang mga bilang gamit ang ilang mga pagpindot ng mga butones ng kalkulador. Gayunpaman, ang pagdaragdag ng lahat ng mga bilang mula sa 1 hanggang 1,000 ay mangangailangan ng libong pagpindot ng butones at maraming panahon upang isagawa ito na may katiyakan na makagawa ng pagkakamali sa pagpindot. Sa kabilang dako, ang isang kompyuter ay maaaring iprograma upang isagawa ang parehong tungkulin gamit ang ilan lamang mga simpleng instruksiyon. Halimbawa nito ang:
{{-}}