Eksistensiyalismo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag)
No edit summary
Atn20112222 (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 13:
===Paktisidad===
Ang [[paktisidad]] ay isang konseptong inilarawan ni Sartre sa Pagiging at Kawalan bilang sa-sarili nito kung saan ang mga tao ay nasa modo ng hindi pagiging. Ito ay mas madaling mauunawaan kapag isasaalang alang ito sa ugnayan sa temporal na dimensiyon ng nakaraan: ang nakaraan ng isa ay kung ano ay nasa kahulugang kapwa nito binubuo ang sarili nito. Gayunpaman, sa pagsaabi na ang isa ay lamang nakaraan ng isa ay hindi pagpapansin sa isang mahalagang bahagi ng realidad(ang kasalukuyan at hinaharap) samantalang ang pagsasabi na ang nakaraan ng isa ay isa lamang kung ano ang isa sa nakaraan ay buong magpuputol dito mula sa mga ito ngayon. Ang isang pagtanggi ng sariling konkretong nakaraan ng isa ay bumubuo ng isang hindi autentikong pamumuhay at ito ay pareho sa lahat ng iba pang mga paktisidad(pagkakaroon ng isang katawan halimbawa ang isa na hindi pumapayag sa isang tao na tumakbong mas mabilis sa halip na sa bilis ng liwanag-identidad, mga pagpapahalaga etc). Ang paktisidad ay parehong isang limitasyon at isang kondisyon ng kalayaan. Ito ay isang limitasyon sa dahilang ang isang malaking bahagi ng paktisidad ng isa ay binubuo ng mga bagay na hindi maaaring mapili ng isa(halimbawa lugar ng kapanganakan etc). ngunit isang kondisyon sa kahulugang ang mga pagpapahalaga ng isa ay mas malamang na sasalig dito. Gayunpaman, kahit pa ang paktisidad ng isa ay "nakatakda sa bato"(bilang nakaraan halimbawa),hindi nito matutukoy ang isang tao: ang pagpapahalagang itinuturo sa paktisidad ng isa ay itinuturo pa rin dito nang malaya ng taong ito. Bilang halimbawa, ituring ang dalawang tao na ang isa walang ala-ala ng nakaraan at ang isa nakakaala-ala ng lahat. Ang parehong ito ay nakagawa ng maraming mga krimen ngunit ang unang unan na walang alam tungkol dito ay namuhay ng isang normal na buhay samantalang ang ikalawang tao na nakadadama na nabitag ng sarili nitong nakaraan ay patuloysa pamumuhay ng krimen na sumisisi sa kanyang nakaraan sa pagbibitag sa kanya sa buhay na ito. Walang esensiyal tungkol sa kanyang pagsasagawa ng mga krimen ngunit kanyang itinuturo ito sa kanyang nakaraan. Gayunpaman, sa hindi pagsasaalang alan ng paktisidad ng isa kapag ang isa na sa patuloy na proseso ng paggawa sa sarili ay pagsusulong sa hinaharap ay paglalagay sa sarili sa pagtanggi sa sarili nito at kaya ay magiging hindi tunay. Sa ibang salita, ang pinagmulan ng pagsusulong ng isa ay kailangan pa ring paktisidad ng isa bagaman sa modeno ng pagiging hindi ito(sa esensiyal). Ang isa pang aspeto ng paktisidad ay nagtatakda ito ng angst na pareho sa kahulugan ang kalayaan ay lumilikha ng angst kapag nilimitahan ng paktisidad at sa kahulugang ang kawalan ng posibilidad ng pagkakaroon ng paktisidad na pumasok para sa isa upang maging responsable para sa bagay na nagawa ay lumilikha rin ng angst. Ang hindi pinapahiwatig sa salaysay na ito ng kalayaang eksistensiyal ay ang mga pagpapahalaga ng isa ay hindi mababago. Ang pagsasaalang alang ng mga pagpapahalaga ng isa ay maaaring magtulak sa isa na muling isaalang alang ang mga ito at baguhin ang mga ito. Ang isang kalalabasan ng katotohanang ito ay ang isa ay responsable hindi lamang para sa aksiyon ng isa kundi pati sa mga pagpapahalagang hinahawakan ng ito. Ito ay nagtatakda na ang isang reperensiya sa mga karaniwang pagpapahalaga ay hindi nagpapaumanhin sa mga aksiyon ng indibidwal. Bagaman ang mga ito ay mga pagpapahalaga ng lipunan na ang indibidwal ang bahagi, ang mga ito ay kanya rin sa kahlugan maaari niyang piliing maging iba sa anumang panahon. Kaya ang pagtuon sa kalayaan sa eksistensiyalismo ay nauugnay sa mga hangganan ng responsibilidad na dinadala ng isa bilang resulta ng kalayaan ng isa: ang ugnayan sa pagitan ng kalayaan at responsiblidad ay isa ng magkakaugnay at ang isang pagliliwanag ng kalayaan ay nagbibigay linaw rin para sa ang isa ay responsable.
===Autentisidad===
[edit]Authenticity
Ang tema ng autentiko o tunay na pag-iral ay karaniwan sa maraming mga taga-isip na eksistensiyal. Ito ay kadalasang nauunawaan na ang isa ay kailangang "humanap sa sarili" at pagkatapos ay mamuhay ayon sa sariling ito. Ang ibig sabihin ng autentisidad ay sa pag-asal, ang isa ay dapat umasal bilang sarili nito hindi bilang isang umaasal o bilang mga gene ng isa o anumang iba pang hinihingi ng esensiya. Ang autentikong pag-asal ay isa na naaayon sa kalayaan ng isa. Dahil ang kondisyon ng kalayaan ay paktisidad, ito ay kinabibilangan ng paktisidad ng isa ngunit hindi sa digri na ang paktisidad na ito sa anumang paraan ay tutukoy ng mga pagpipilian ng isa(sa kahulugang masisis ng isa ang kalagayan sa paggawa ng mga napili nito). Ang papel ng paktisidad sa kaugnayan sa autentisida ay kinasasangkutan ng pagpayag sa mga pagpapahalaga na masangkot kapag ang isa ay gumagaw ng pagpili(sa halip na pagpili ng walang pinipili ni Kierkegaard) upang ay isa ay magiging responsable para sa pag-asal sa halip na pagpili ng alinaman o hindi pumapayag sa mga opsiyon na magkaroon ng magkakaibang halaga. Salungat dito, ang hindi autentiko ang pagtanggi na mamuhay ayon sa kalayaan ng isa. Ito ay maaaring kumuha ng maramin gmga anyo mula sa pagpapanggap na ang mga pagpipilian ay walang kahulugan o randoma sa pamamagitan ng paghikayat sa sarili na ang isang anyo ng [[determinismo]] ay tunay hanggang sa tila panggagaya kung saan ang isa ay umaasal gaya ng "nararapat na gawin ng isa". Kung paanong ang isa ay umasal ay kadalasang natutukoy ng imahen na ang isa mayroon kung paanong ang isa gaya ng sarili nito(sabihing manedyer ng bangko, [[patutot]] etc) ay umaasal. Ang imaheng ito ay karaniwang tumutugon sa panlipunang mga norm ngunit hindi nangangahulugan ang buong pag-asal ayon sa mga norm ng lipunan ay hindi autentiko. Ang pangunahing punto ay ang saloobing kinukuha ng isa sa kalayaan at responsibilidad ng isa at sa saklaw na ang isa ay umaasal ayon sa kalayaang ito.
 
==Mga sanggunian==
{{reflist}}