Benjamin Franklin: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
stub sorting &/or gen. fixes using AWB
m (stub sorting, replaced: {{usbong → {{stub using AWB)
m (stub sorting &/or gen. fixes using AWB)
 
Si '''Benjamin Franklin''' (Enero 17, 1706 - Abril 17, 1790) ay isa sa "Tagapagtatag na mga Ama" ng Estados Unidos, at isa sa pinakamaagang politiko ng bansa. Nagkaroon siya ng napakahalagang bahagi sa paghubog ng Mapanghimagsik na Digmaang Amerikano, bagaman hindi siya [[nahalal]] kailanman sa anumang puwestong opisyal. Bilang pinuno ng Panahon ng Pagkamulat, naimpluwensiyahan niya ang mga siyentipikong Europeo. Siya ang unang naging palagiang iniuugnay ng mga Europeo sa Amerika noong panahong iyon. Isang mahalagang bagay ang kanyang tagumpay sa militar ng Pransiya kaugnay ng pananagumpay ng Amerika laban sa Dakilang Britanya.
Karamihan sa mga tao ang tumatanaw kay Franklin bilang isa sa pinakadakilang mga imbentor sa kasaysayan. Ilan sa kanyang mga nalikha ang pararayos o pangayas-kidlat, salaming doble-bista (isang uri ng salamin sa mata), ang ideya ng pagkakaisa sa loob ng Labintatlong mga Kolonya, at ang ideya ng mismong Amerika.
Ipinagdiwang ng lungsod ng Philadelphia, Pennsylvania (ang pook kung saan siya nanirahan) ang kanyang ika-300 kaarawan nooong 2006.
Malimit na nakikita si Franklin sa salaping $100 ng Estados Unidos bilang tanda ng kanyang katalinuhan at bilang parangal sa nakalipas ng bansang ito.