Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Mga lalawigan ng Pilipinas"

m
Reverted 1 edit by 112.198.64.69 (talk) identified as vandalism to last revision by 121.1.11.186. (TW)
(→‎Pamahalaang lalawigan: pinaganda ang mga taong ulol sa pilipinas)
m (Reverted 1 edit by 112.198.64.69 (talk) identified as vandalism to last revision by 121.1.11.186. (TW))
Noong [[Oktubre 30]], [[2006]], inaprubahan ng mga mamayan ng unang distrito ng [[Maguindanao]] ang pagkakabuo ng isang bagong lalawigan, ang [[Shariff Kabunsuan]], sa isang plebesito na pinamunuan ng [[Komisyon ng Halalan]]. Inaprubahan din noong [[Disyembre 2]], [[2006]], nabuo din ang bagong lalawigan ng [[Dinagat Islands]] sa [[Surigao del Norte]] mula sa naganap na plebesito. Itinatag ng [[Kongreso ng Pilipinas]] ang mga batas na ukol sa mga ito.
 
==Pamahalaang lalawigan==
ngayon ang buhay ng tao ay Nganga
Tulad ng Pamahalaang Pambansa ng Pilipinas, mayroon ding kagawaran ng [[tagapagpaganap]] at [[tagapagbatas]] ang pamahalaang panlalawigan. Nasa pamamahala ng [[Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas]] ang [[panghukuman]] na kapangyarihan ng lalawigan. Malaya ang pamahalaang panlalawigan. Binigyan ito ng tuwirang kapangyarihan upang magpalakad ng mga gawain sa mga naturang lalawigan ngunit tuluyan pa ring nakikipag-ugnayan ang [[Pangulo ng Pilipinas|pangulo]] sa pamamagitan ng [[Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal]].
 
===Kagawaran ng tagapagpaganap===
 
Ang gobernador nakatalagang tagapagpaganap sa bawat lalawigan. Siya ang may hawak sa iba't ibang mga kagawaran ng lalawigan katulad ng Pangasiwaan, Tanggapang Legal, Tanggapan ng Impormasyon, Tanggapang Inhinyeriya, at Tanggapan ng Ingat-Yaman.
 
Hinahalal ang isang gobernador na binibigyan ng tatlong taon sa isang termino at maaaring gumanap muli sa loob ng tatlong termino kung muling siyang ihahalal. Hinihirang ng isang gobernador ang mga pinuno ng mga kagawaran sa kanyang lalawigan.
 
===Kagawaran ng tagapagbatas===
 
Pinamumunuan ang lehislatura ng bise-gobernador na nasasakop sa Sangguniang Panlalawigan ng lupon ng mga kagawad ([[Wikang Filipino|Filipino]]: bokal, [[Wikang Ingles|Ingles]]: board members) mula sa bawat distrito. Depende sa uri ng kita ng lalawigan, maaari itong bumuo ng lupon ng mga kagawad na ginaganapan ng walo hanggang sampung miyembro. Binibigayn ng sampung mga kagawad ang una at ikalawang uri ng lalawigan samantalang walo naman ang sa ikatlo at ika-apat na uri ng lalawigan. Natatangi ang [[Negros Occidental]] at [[Cebu]] dahil ang kanilang mga lupon ay binubuo ng labindalawang kagawad.
 
Sa Lupon ng mga Lalawigan, binubuo ito ng mga kasaping ''ex-officio'' tulad ng pangulo ng Liga ng mga Kapitan o ''Association of Barangay Captains'', Liga ng mga Konsehal sa Pilipinas o ''Philippine Councilors League (PCL)'', at ang Pederasyon ng mga Pangulo ng Sangguniang Kabataan.
 
Ang gobernador at mga kagawad ay hinahalal ng mga mamamayan sa lalawigan. Hinahalal naman ang mga kasaping ''ex-officio'' sa loob ng kanilang organisasyon.
 
==Mapa==
42

edit