Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Fossil na transisyonal"

==Mga maling pagkaunawa==
===Missing link===
Ang katagang '''missing link'''(nawawalang ugnayan) ay nakaraang malawakang ginamit sa mga aklat para sa mga pangkalahatang mambabasa upang tukuyin ang isang pinaniwalaan sa nakaraang puwang sa fossil record ng [[ebolusyon]] ng mga hominid kabilang ng [[ebolusyon ng tao]]. Dahil sa espesyalisado at mga bihirang sirkumstansiyang kailangan para maging fossil ang isang organismo, ang tanging maliit na persentahe ng mga anyo ng buhay ang maasahang matutuklasan sa mga fossil at ang bawat pagkakatuklas ng isang bagong fossil ay kumakatawan sa isang litrato ng proseso ng [[ebolusyon]].
 
Ang katagang missing link ay unang ginamit sa kontekstong siyentipiko ni [[Charles Lyell]] sa kanyang ikatlong edisyon(1851) ng aklat na Elements of Geology tungkol sa mga nawawalang bahagi ng geologic column. Ito ay pinsikat sa kasalukuyang kahulugan nito sa pahina xi ng kanyang Geological Evidences of the Antiquity of Man noong 1863. Sa panahong ito, malawakang pinaniwalaang ang wakas ng [[huling panahong tag-yelo]] ay nagmamarka ng unang paglitaw ng mga tao. Gayunpaman, si Lyell ay humango sa mga bagong natuklasan sa kanyang Antiquity of Man na naglalagay sa paglitaw ng mga tao sa mas maaga pa sa malalim na nakaraang heolohikal. Isinulat ni Lyell na nananatiling isang malalim na misteryo kung paanong ang malaking puwang sa pagitan ng tao at mga hayop ay mauugnay. Ang ideya ng missing link sa pagitan ng mga tao at mga mas mababang mga hayop ay nanatiling nakalagay sa isipan ng publiko. Ang paghahanap sa fossil na nagpapakita ng mga katangiang transisyonal sa pagitan ng mga [[ape]](bakulaw) at mga tao ay hindi naging mabunga hanggang sa matuklasan ng heologong Dutch na si [[Eugène Dubois]] ang isang skullcap, isang molar at isang femur ng ''[[Taong Java]]'' sa mga bangko ng Ilog sa [[Java]], [[Indonesia]] noong 1891. Ang natuklasang ito ay kombinasyon ng isang mababang tulad ng bakulaw ng skull roof na may utak na tinatayang mga 1000 c sa pagitan ng utak ng isang chimpanzee at isang tao. Ang isang molar ay mas malaki sa ngipin ng tao at ang femur ay mahaba at tuwid na may anggulo ng tuhod na nagpapakitang ito ay nakatindig maglakad. Sa panahong ito, ito ay tinaguriang ang "missing link" na nakatulong upang gamitin ang terminong ito para sa mga fossil ng [[Homo]]. Gayunpaman, ito ay ginamit rin sa mga species tulad ng [[Archaeopteryx]].
 
Ang '''katagang missing link''' ay karaniwangisang ginagamit ngayon upang tukuyin ang anumang mga bagong natuklasang mga ''transiyonalnakakapagligaw na fossil''. Ang katagang ito ay isang nakakapagligawkatawagan dahil ang mga natuklasang fossil sa pagitan ng mga [[ape]] at [[tao]] ay hindi na ''nawawala'' at patuloy na pumupuno sa dating nakaraang pinaniniwalaang mga puwang nito. Ang ''missing link'' ay karaniwang ginagamit ng ilan ngayon upang tukuyin ang anumang mga bagong natuklasang mga ''transiyonal na fossil''. Gayunpaman, ang katagang '''missing link''' ay hindi ginagamit ng mga siyentipiko sa kasalukuyan dahil ito ay tumutukoy pananaw ng kalikasan bago ang pagkakabuo ng [[ebolusyon]].
 
==Mga sanggunian==
11,766

edits