Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Manok"

274 bytes added ,  8 year ago
walang buod ng pagbabago
(Tinanggal ang salitan TUMAE mula sa 112.198.90.43; posibleng pambababoy)
}}
 
Ang '''manok''' ([[wikang Ingles|Ingles]]: ''chicken'', [[wikang Kastila|Kastila]]: ''pollo'') ay isang uri ng domestikadong ibon na kadalasang kabilang sa mga pagkaing niluluto at inuulam ng [[tao]].<ref name=Lacquian>{{cite-Lacquian|Pollo, ''chicken''}}</ref>. '''Tandang''' (Ingles: ''rooster'', Kastila: ''gallo'') ang tawag sa [[lalaki]]ng manok, '''inahin''' (Ingles: ''hen'', Kastila: ''gallina'') naman ang sa babaeng manok, at '''sisiw''' (Ingles: ''chick'') para sa mga inakay o anak na ibon nito. Ang mabata-batang inahin (halimbawa, wala pang isang taon) ay tinatawag na '''dumalaga''' (Ingles: ''pullet''). Kapag mamula-mula o mala-ginto ang kulay ng tandang, tinatawag itong '''bulaw'''.<ref name=JETE/>
 
Kabilang ang mga manok sa mga [[poltri]]<ref name=JETE/>, mga ibong inaalagaan at pinalalaki para kainin. '''Manukan''' ang katawagan sa pook na alagaan ng mga manok sa bukid.<ref name=JETE>{{cite-JETE|Poltri, ''poultry'', bulaw}}</ref>
 
==Pinagmulan==
== Liksiyon mula sa mga tandang ==
Ang mga domestikong manok ay nagmula mula sa [[Red Junglefowl]] (Gallus gallus) at siyentipikong inuuri bilang parehong species. Ang parehong ito ay malayang makakabuo ng supling. Ang kamakailang pagsisiyasat na henetiko ay nagpapakitang ang gene para sa dilaw na balat ng manok ay isinama sa mga domestikong ibon sa pamamgitan ng pagha-[[hybrid]] sa [[Grey Junglefowl]] (G. sonneratii). Ayon sa mga kamakailang pag-aaral, ang mga domestikong manaok ay may maraming mga pinagmulang pangina. May mga kladong matatagpuan sa Amerika, Europa, Gitnang Silangan at Aprika na nagmula sa subkontinenteng Indiyano kung saan ang isang malaking bilang ng mga natatanging haplotype ay umiiral.Ang mga manok mula sa kulturang [[Harappan]] ng [[Lambak Indus]] noong 2500-2100 BCE sa ngayong Pakistan ay maaaring ang pangunahing pinagmulan ng malawak na pagkalat ng mga manok sa buong mundo.
Bahagi ng pang-araw-araw na buhay sa [[Sinaunang Gresya]] ang pagmamanukan o pag-aalaga ng mga manok. Mayroon isang manunulat na Griyego noong [[320 BK]]. na sumulat ng isang [[berso]] hinggil sa mga tandang, kung sinabi niya na mayroong matututunan ang mga mamamayan mula sa mga ibong ito dahil nga nakikita nila ang mga ito araw-araw: ito ang pagaaway (sabong), paggising ng maaga, pagkain na kasama ang mag-anak, at ang pagsasanggalang ng asawa (dahil sa pagtatanggol ng tandang sa inahing manok) mula sa anumang peligro o suliranin.<ref name=NBK>{{cite-NBK|''A Lesson from a Rooster''}}</ref>
 
== Tingnan din ==
11,766

edits