Literal na pagsasalinwika: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Memosync (usapan | ambag)
Kinansela ang pagbabagong 1361327 ni 125.60.156.239 (Usapan)
m re-categorisation, replaced: :Pagsasalinwika → :Pagsasalin using AWB
Linya 1:
{{linis-kopya}}
 
Ang '''literal na pagsasalinwika''', na tinatawag ding '''tuwirang pagsasalinwika''', '''direktang pagsasalinwika''', '''diretsong pagsasalinwika''', '''diretsuhang pagsasalinwika''', o '''diretsahang pagsasalinwika''', ay ang isang gawain ng [[pagsasalinwika]] o paglalapat ng salitang katumbas ng isang salita o kaisipan na nahahayag sa ibang wika, na maaaring nakaayon sa tahasang sinasabi o binabasa. Kadalasan itong matutunghayan sa mga panulat sa wikang Filipino kung saan karaniwang kagawian ang Pagsasaling Literal ng mga salitang Ingles sa mga katumbas nilang kasalinan sa wikang Filipino. Kaiba sa sining ng Pagsasalingwika, ang Pagsasaling Literal ay nakatuon lamang sa natutukoy na partikular na salita. Ang paksain ng Pagsasaling Literal ay ang bokabulayo ng wika hindi tulad ng sa pagsasalingwika kung saan ang paksain ay nakatuon higit sa bokabularyo at mga partikular na salita bagkus ay sa diwa at kaisipan tinataglay ng anyo at paraan ng gamit ng mga salita. Ang pagkakaiba ng dalawa ay makikita sa kaugnayan ng konteksto ng mga salitang isinasalin. Masasabing natatangi ang wikang Filipino bilang kakaibang wika na mahalagang bahagi na ng bokabularyo nito ang Pagsasaling Literal. Malaki ang kinalaman dito ng limitadong bokabularyo ng wikang Filipino na maiuugat ang kalagayan sa pinagdaanan nitong kasaysayan. Matatandaang maging ang Saligang Batas ng Pilipinas ay tumutukoy sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng bansa. Sa pagkakaroon ng alternatibong wika (ang Ingles), hindi napagyaman ng wikang Filipino ang likas nitong talasalitaan. Partikular na ngang naging kakulangan ng wika ang limitado nitong bokabularyo. Ang Pagsasaling Literal ay nagiging paraan narin upang punan ang pagkukulang na yaon. Sa kawalan ng salitang katumbas sa dilang Filipino, isinasagawa ang Pagsasaling Literal upang bigyang ng salitang katumbas ang mga salitang Ingles at iba pang salitang banyaga.Kaya kadyot lng! at laging isipin ang salitang "Shabu Paaaa"
 
==Kawalang batayan ng anyong kawastuhan==
Linya 11:
At dahil nababatay ang Pambansang Wika sa dayalektong Tagalog, ang talasalitaang Filipino ay katulad ding nakabatay sa dayalektong ito kung saan ang mga bokabularyong Filipino ay limitado hindi lamang sa eksklusibong salitang Tagalog (o banyaga ngunit gamit at tanggap sa pananagalog) bagkus ay limitado din sa mga salitang saklaw baybayin ng alpabetong Tagalog.
 
Ano mang salita na kinapapalooban ng alin man sa mga titik na c, f, j, q, v, x, at z ay maibibilang na salitang hindi likas na Filipino. Bunsod ng ebolusyon ng mga salita at pangangailangan ng wikang Filipino na umangkop sa pagbabago ng panahon, naging FILIPINO ang Wikang Pambansa ng Pilipinas noong huling bahagi ng dekada Walungpu -- nagingWalungpu—naging [F]ILIPINO sa dating [P]ILIPINO. Ang lumang alpabeto ay binago at tinawag na Bagong Alpabeto ng wikang Filipino.
 
Malinaw ang adhikain ng pagbabago; paglinangin ang Wikang Pambansa. Ngunit bunsod narin ng sistema ng bilingualismo, ang pagpapalit-Alpabeto ay mistulang nag-akay sa talasalitaang Filipino na higit kalituhan hindi lamang sa larangan ng pagbabaybay at pabigkas ng mga salitang Filipino bagkus ay ang tuwirang hindi tiyak na matukoy alin ang salitang likas na Filipino at alin ang banyaga.
Linya 25:
==Saligang Batayan ng mga Alituntunin ng Kawastuhan sa Panalastasang Filipino==
 
katulad ng mga alituntuning legal na may mga konkreto at pinagtibay na mga probisyon ng batas bilang batayan; kaya naman ay ng mga teyoryang pang-akademya na nagtataglay ng malawak na kasaklawan ng antas ng pagtanggap na patuloy na iniaangkop sa bawat bagong katuklasan; o, ang maidagdag pa nga na mga batayang moral mga paniniwalang pang-ispiritwal na may opisyal na nagsasatalagang mga sekta at samahang pangrelihiyon, ang mga pampanuto'ng alituntunin na umiiral sa larangan ng panalastasan sa wikang Filipino ay, bunsod ng mabilis na ebolusyon ng pandaigdigang bokabularyo, mapupunang hindi na pinagtutuunan ng sapat na pansin at kahalagahan.
 
Sa kapwa larangang berbal at [[pampanulatan]]g ugnayan na gamit ang wikang Filipino, ang antas ng kawastuhan ay nakalulungkot na hindi na kinikilala bilang mahalagang sangkap ng sining at agham ng panalastasan. Lahat na yata ng anyo ng kamalian ay maluwag na tinatanggap na kadalasan ay hindi na nga kinikilala pang pagkukulang bagkus ay karaniwang kagawian. Sa halip na pag-iral ng mga kongkretong alituntunin ng wastong pagsasatitik at pagsasadila ng wika, ang higit tanggap na katuwiran sa kasalukuyang kultura ng panalastasang Filipino ay ang paniniwalang gaano man kamali ang komposisyon ng isang kapahayagan sa pambalarilang batayan (o kaya ay pampanitikan o pangtalasalitaan, atb), hanggat nararating ng kahayagan ang pang-unawa ng sinasalinan ng diwa, kinikilalang katanggap-tanggap ang naging proseso na talastasan alin mang landas -- likolandas—liko o tuwid o pabaligtad -- angpabaligtad—ang binaybay nito bago mailipat o paiparating sa kinauukulan.
Hanggat naintindihan, wala ng kailangan pang kung ano pa mang antas ng kawastuhan.
Katunayan, sa higit halos pagpulandit ng tulin ng pagbabago -- pagpagbabago—pag-unlad man o pagkasira -- atpagkasira—at pagsulong ng ebolusyon ng pandaigdigang bokabularyo, may mga salitang umiiral na wala nang iisang kasarinlan o wika ang makapag-aangkin na yaon ay kanyang bokabularyo.
 
At sa kung ano mang layunin at kadahilana na batay sa mga kumentaryo ng matatalinong opinyon ay pangunahing bunsod ng kung ano ang sa kasalukuyan ay popular o ang pop-culture, sinalubong ng Unang Dekada ng Ika-dalawang melenyo ang makabagong anyo ng panalastasan sa wikang Filipino (kung Filipino pa nga bang maituturing ang mga talasalitang gamit nito at mga pambalarilang alituntuning sumasaklaw sa kanilang gamit at anyo). Tinanggap ng lipunan Fipino ng may ngiti at simpleng pagkikibit-balikat ang talastasang tinawag ng henerasyon bilang JEJEMON. At idagdag pa nga dito ang halos kahalinhinang BECKYMON. May ilang bumaimbulog na opinyon na nagsakategorya ng mga gayong pagbabago bilang makabagong sinig ng henerasyon.
 
Sa pag-aaral ng wika at panalastasan, isang tanggap na teyorya ang pagkilala sa wika bilang "buhay" na elemento ng isang kultura at sibilisasyon. Mayroon daw itong sariling pintig ng hininga at ritmo ng pagiral na kusa itong umaaangkop (o sumasalungat) na masasabing kumikilos alinsunod sa daloy ng mga pagbabago ng panahon at kalagayan ng pinananahanan nitong lahi o kasarinlan. Ang teyoryang ganito ang batayan at dahilan kung bakit ang gamit ng wika ay higit kinikilala bilang kasanayan (skill) sa halip na kaalaman (knowledge) kung kayat ang pag-aaral dito ay kinikilalang pampanalastasang kasanayan o pagsasanay (communication skills).
 
Sa pantalasalitaang batayan, KAHAPON ay ang wastong anyo ng gayong salita sa Filipino. Sa gayong batayan, sasabihing ang palisan ang anyo ng salita at bigkasin o isulat ito sa anyong KA-GA-HAPON ay mali kung gayon. Nakapagtataka nga lamang na ang pagkakamali sa gamit ng anyo ng salita o bokabularyo ay mistulang sinasadya ng walang-malay na dilang Filipino. Kung mali ang KAGAHAPON, nakapagtatakang ang pagkakamali ng isa ay madalas na nauulit din ng iba sa mismong katulad nitong maling anyo. (Maaari namang ang pagkakamali ay maging KAWAPON, GAHAPON, SIHAPON, ETC. ngunit bakit ang pagkakamali ay mistulang sabayang umiiral.
 
Ang pagkakamali sa bigkas ng salitang KANINA na sa halip ay madalas binibiglas KAGANINA. Kapani-paniwala pa ba na ang mismong pagkakamali ay magkatulad sa pagitan Pampanpanga at Laguna. Kung hanggang pa nga sa Visaya ay mapupunang gayon parin ang mismong antas ng pagkakamali; KAGANINA. KAGAHAPON. Kung ang pagkakamali ay hawa bunsod ng narinig na katulad na mali, paano ipaliliwanag ang pagkakamali na hindi sinasadya (hindi pinag-isipan o namamalayan).
Linya 44:
Kung sa pag-iral ng Surian ng Wikang Pambansa ay nakapagtalaga ng isang pambansang sangunian ng wikang pambansa na siya noong nagtalaga ng mga batayang alituntunin, maging ang mga institusyong pampamahalaan (tulad ng Kagawaran ng Edukasyon) o pang-akademya (gaya ng mga University Institutes/Departments/Colleges/etc of Languages and Communications) sa kasalukuyan ay walang sapat na kapangyarihan, hindi man ng sapat na kakayahan, upang magtalaga ng pangmalawakang pagsasatalaga ng mga pang-alituntuning batayan ng wastong gamit at anyo ng wika.
At maging sa larangan ng panalimbagan, kailan na nga ba huling mayroong inilimbag na TALASALITAANG FILIPINO o diksyunaryong Filipino? Sa isang mag-aakda, kanino nito maaaring hanguin ang kanyang kasanayan (na sa larangan ng [[panulatan]] ay kinikilalang kapangyarihan o otoridad) at ano ang mga magiging batayan kung kailan at paano ituturing ang antas ng kawastuhan ng kanyang magiging mga pagtutukoy sa mga salita (alin ang bokabularyong Filipino) at pagbibigay katuturan sa mga ito.
Sa pulso ng umiiral na kultura sa larangan ng panalastasang Filipino, mangyari man na makapagtalaga ng mga matatalinong tagapanguna upang bumuo at magtalaga ng mga alituntuning batayan ng wika, ang malamig na turing ng dilang Filipino sa pangangailangan ng kawastuhan ng anyo at gamit ng wika ay malamang na magsasaisangtabi lamang sa kung ano man ang batayang itatalaga.
 
Ang papagiralin ang "hinulmang anyo" ng wikang Filipino ay mistulang hindi mapangyayari sa kasalukuyang kapanahunan at henerasyon. Na kung totoo nga na may sarili at angking buhay at hininga ang wika, ilang eksperto sa larangan ng pag-aaral ng panalastasan ang nagmumungkahi na ang mga katisuran o pagkakali na sa mas eksaktong termino ay sasabihing DETERYORASYON ng isang wika ay pawang stage o baitang lamang na dinadaanan nito tungo sa mas akma nitong katuturan at dipinisyon.
Linya 51:
At sinong matalino ang makapagsasabi? Matalino man at sabihin man nila, sundin naman kaya ng iba? Umiral kaya?
 
May maiiba kaya kung isasabatas ang pag-iral ng pamahalaan? Pero kailan nga ba dapat gamitin ang PAMAHALAAN sa halip na GOBYERNO. Alin ba ang likas na talasalitaang Filipino? Filipino ba ang salitang SIENSYA (O SIYENSIYA, SYENSYA, ETC)kung may katumbas itong literal na salin sa salitang AGHAM. Bakit OTORIDAD ang kasalinan ng AUTHORITY at hindi AWTORIDAD?
 
Sa mga simpleng kalituhan naniniwala akong karagdagang pagsasaliksik lamang ang kailangan at matutukoy ang kawastuhan ng mga gayon. Madali ang magsaliksik. Kasingdali din kaya ang magbahagi na sinaliksik? Madaling hanapin ang tama subalit sino nga ba ang may gusto pang humanap.
Linya 57:
 
At sinong magsasabi, magtatalaga ng wasto na higit mas wastong pagtatalaga kundi ang mismong kahahantungang mga pagbabago ng wikang Filipino.
Sa patuloy na daloy nito, pagsisikapan ng mga pahinang ito na maging tanglaw na susubaybay at magtatala ng mga kaganapang pagdadaan ng wikang Filipino.
 
 
{{usbong|Wika}}
 
[[Kategorya:PagsasalinwikaPagsasalin]]