Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Usapang tagagamit:Geoffbits"

m
Magandang gabi sa iyo, Geoffbits. Nais po kitang bigyan ng paalala tungkol sa mga pagkarga (''upload'') mo ng mga takip ng mga album at isahang awit ng [[One Direction]]. Tandaan po na nakakarapatang-ari (naka-''copyright'') ito at hindi maaaring basta-bastang kargahan ito batay sa mga patakaran ng Wikipedia (tingnan [[:en:WP:IUP|ito]]): maaari lamang itong gamitin sa ilalim ng patas na gamit o ''fair use''.
 
Dagdag pa sa iyon, kinakailangan po ng iyong mga larawang ikinarga na may karampatang tag ito para sa paglilisensiya, upang matukuyan namin kung ano ang paggamit ng mga larawang ito. Paki-tag po niyo ang lahat ng mga larawang nakakarapatang-ari na ikinarga mo gamit [[Wikipedia:Mga padron para sa karapatang-ari ng mga larawan|ang mga padron para sa karapatang-ari ng mga larawan]] na makikita mo sa talang iyon. Batay sa patakaran, kapag walang lisensiya ang larawan, may karapatan kaming mga tagapangasiwa na burahin ito, at ayaw namin gawin iyon, kaya binibigyan po kita ngayon ng paalala tungkol dito. Gayundin, dapat may buod ng paggamit ang mga larawan: makikita mo ang isang halimbawa sa [[:Talaksan:Magical Girl Lyrical Nanoha A's DVD volume 1 cover.jpg#Buod]]. Maaari mong kopyahin ang padron (''template'') at ipasok ito sa mga larawan mo.
 
Maraming salamat po at maligayang pamamatnugot sa Wikipedia. :) --[[User:Sky Harbor|<font color="#0066ff" ><b>Sky Harbor</b></font>]] <sup>([[User talk:Sky Harbor|<font color="#0066ff" ><b>usapan</b></font>]])</sup> 14:35, 19 Setyembre 2013 (UTC)