Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Ibinalik sa bersyon ni Legbot
m orthography, replaced: ksyon → ksiyon (4) using AWB
Linya 7:
Mula pa noong 1640, ang mga siyentipiko lalo na sa Pransya ay nagmungkahi at nag-usap na sa paggamit ng isang panukatang gumagamit ng sistemang desimal (sasampuin) ayon sa mga likas na yunit. Ang opisyal na pagtanggap ng sistemang nasabi ay nangyari matapos ang Rebolusyong Pranses noong 1789. Sinikap sa sistemang metrika ang pagpili ng mga yunit na makatuwiran at praktikal na naayon sa opisyal na ideolohiya ng rebolusyon na maging "wagas at matuwid"; iminungkahi ito bilang malaking unlad mula sa isang pabago-bagong mga yunit na ginamit noon na kung saan ang halaga nito ay naaayon sa rehiyon gumagamit nito.
Ang '''haba''' ang pinakamahalagang yunit: ang isang metro ay itinakdang kapantay ng isang bahagi ng 10 000 000 (1/10 000 000) na distansya mula sa polo (pole) hanggang sa ekwador (equator) ng meridyan na dumaraan sa Paris. Halos 10% mas mahaba ito sa isang yarda. Nang kalaunan, isang baras na gawa sa platino na may matigas na hugis -X sa seksyongseksiyong sirkular ginawa bilang batayan ng isang metrong haba. Dahil sa kahirapang tunay sa pagsukat ng haba ng isang kwadradong meridyan noong siglo 18, ang unang platinong prototype ay maikli ng 0.2 milimetro. Nitong nagdaan, itinakda ang metro bilang isang tiyak na bilang ng wavelength (haba ng alon) ng isang radiasyon. Sa kasalukuyan, ang metro ay itinatakda bilang distansyang nilallakbay ng liwanag sa vacuum sa isang tiyak na oras. Iniwanan na ang pagtatakda ng metro ayon sa multipleng bilang na ito sa meridyan.

Gramo ang unang saligang yunit ng bigat (mass) sa sistemang metrika na pinili upang iangkop sa bigat ng isang cubic centimeter (sentimetro kubiko) ng tubig. [Timbang ang salin sa weight; bigat naman ang salin sa mass.] Sa praktikal na kadahilanan, ang sangguniang pamantayan ay itinago sa Archives de la république noong 22 ng Hunyo 1799 bilang isang kilogramo (ng silindro ng plátino). Halos 2.2 libra ang isang kilogramo (kilo ang paikli sa Pilipinas). Noong 1889 sa unang Panglahatang Komperensya sa Timbang at Sukat (CGPM), tinanggap ang pagpapalit ng prototype na gumagamit ng alloy ng 90% plátino at 10% iridyo. Ito ngayon ang nagsisilbing pamantayan sa kilogramo at nakatago sa isang baul sa Paris. Naging batayang yunit ang kilogramo noon 1901.
Linya 22:

== Mga Pangkulturang Talakayan ==
Kalimitan ang mabilis na pagtanggap ng sistemang metrika bilang kasangkapang pang-ekonomya at pangaraw-araw na kalakalan ay ayon sa kasalatan ng kaugaliang sistema (customary system) sa maraming bansa: upang ipakita ang ilang konsepto o bunga ng pagtatangka na magkaroon ng isang pamantayan sa sukat sa iba't ibang sistemang ginagamit sa isang rehiyon. Sa pagtaas ng kalakalan sa pandaigdigang pamilihan ng isang bansa, tumalab rin paggamit ng sistemang metrika. Sa agham, nagpapadali ito sa pagpapakita ng napakalaki o napakaliit na dami (kantidad) dahil naaayon ito sa sistemang desimal.

Makikita sa pangaraw-araw na lokal na paggamit ng mga metrikang yunit ang pagkakaiba ng mga kultura. Halimbawa, ang tinapay ay itinitinda ng kalahati, isa o dalawang kilong (kg) laki sa maraming bansa ngunit sa dating Unyong Sobyet ito ay mabibili lamang sa multiple ng 100 gramo (100, 200,..). Sa ilang bansa, ang paggamit ng pusuwelo ay itinakda sa 250 mL, at ang mga halaga ng mga bilihin ay por siyento (100) gramo (g) sa halip na por kilogramo (kg). Malaki rin ang pagkakaiba ng kultura sa pagitan ng mga pisiko at mga inheniyero lalo na ang inhenyero sa radyo bago pa man tanggapin ang sistemang MKS gayundin ang mga sumunod rito na SI yunit. Tinanggap sa pisikang teoretika (dahil sa kasalatan ng gawang "constants" tulad ng "permittivity" sa vacuum) ang CGS at tunay na inkombenyente ang paggamit nito sa inhenyeriya at di naiintindihan ng sambahayang gumagamit ng mga aparatong gumagamit ng volts at watts. Ang mga inheniyero ay gumagamit ng volts, amperes, ohms, farads at coulombs na may tunay na praktikal na gamit.
Linya 38:
Hindi na dapat tuldukan (.) ang mga simbolo.

Higit na mainam isulat ang mga simbolo ng sulat Romano (patayo) (m para sa metro. L para sa litro) upang hindi malito. Ang sulat Italiko (pahilig) ay ginagamit sa mga variables sa matematika (''m'' para sa bigat (mass), ''l'' para sa haba).

Dapat bigyan ng pagitan ang bilang at ang simbolo. Halimbawa, "2.21 kg", "7.3×102 m2", "22 °C" [1]. Maliban rito ang mga simbolo ng planong antas (degree) ng anggulo, minuto at segundo (°, ′ at ″), na isinusulat nang walang patlang matapos isulat ang bilang.

Dapat bigyan ng patlang ang bawat tatatluhing grupo ng desimong digit, e.g. 1 000 000 or 342 142 (sa halip na gumamit ng kuwit o tuldok sa ibang sistema, e.g. 1,000,000 or 1.000.000).

Ideneklara ang ikasampung resolusyon ng CGPM noong 2003 na ang panandang desimo ay tuldok o kuwit sa pagsulat nito. Sa gamit, ang tuwirang paghinto ay ginagamit sa Ingles at ang kuwit sa karamihang ng wikang Europeo.
Linya 52:
== Mga Yunits ==
=== Mga Pangunahing yunits ===
Ang sumusunod ay ang mga pundamental na yunit na kung saan hinalaw ang iba. Kanyang angkin ang mga sukat na ito. Ang pagtatakda nito ay malawakang tanggap.

'''Mga Pangunahing yunits ng SI'''
Linya 79:
'''Kantidad:''' Daloy ng koryente

'''Pagtatakda:'''

Ang yunit ng daloy ng koryente ay di-nababagong daloy, na kung pananataliin ng dalawang magkaagabay (parallel) na daluyan ng koryente (conductors), na walang-hanggahang haba at di-pansing seksyonseksiyon sirkular, na pinaghiwalay ng isang metro sa vacuum na magbubunga ng pwersa sa pagitan ng daluyang ito ng 2×10 −7 newtons por metro ng haba (9th CGPM (1948) Resolution 7, CR 70).

'''Pangalan:''' kelvin

Linya 97:
'''Kantidad:''' Tindi (ningning) ng liwanag

'''Pagtatakda:'''

Ang yunit ng tindi ng liwanag na itinakdang tindi (ningning) ng liwanag, sa isang itinakdang direksyondireksiyon ng pinanggalingan nito na nagbubuga ng monokromatikong silahis na may prekwensya ng 540×1012 hertz at may ningning ng silahis sa direksyongdireksiyong ito ng 1/683 watt per steradian (16th CGPM (1979) Resolution 3, CR 100).

=== Mga Hinalaw na Yunit na Walang Dimensyon ===
Ang mga sumusunod na SI yunit ay tunay na walang dimensyong ratio na binuo sa paghahati ng dalawang magkaparehong SI yunit. Kaya ito'y sinasabing hinalaw ng BIPM. Sa pormal, ang kanilang yunit ay ang bilang na 1 ngunit sila ay may espesyal na pangalan kung ang paggamit ng walang yunit ay makalilito.

'''Mga Yunit SI na Walang Dimensyon '''

'''Pangalan:''' radian

Linya 117:

=== Mga Hinalaw na Yunit na may espesyal na pangalan ===
Ang mga saligang yunit ay mapagsasama upang makabuo ng hinalaw ng yunit ng sukat para sa ibang kantidad. Ang ilan ay binigyan ng pangalan.

'''Mga Hinalaw ng Yunit mula sa SI na may espesyal na pangalan'''

'''Pangalan:''' hertz