Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Imbensiyon"

m
orthography: -ksyon > -ksiyon using AWB
m (Bot: Migrating 1 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q123492 (translate me))
m (orthography: -ksyon > -ksiyon using AWB)
 
Ang salitang imbensiyon ay maaaring maging katumbas o may kaugnayan sa mga salitang [[likha]], [[katha]], at [[bungang-isip]]. Sa diwa ng pagiging isang bagong bagay na nagawa at nalikha ng isang tao, ang [[kompyuter]] at [[kotse]] ay mga halimbawa ng mga imbensiyon noong una itong mabuo. Kaya't mayroong pariralang "noong ito ay maibento". Ang mga baong bagay na nagawa, nabuo, o [[nalikha]] ay tinatawag na mga imbensiyon. Ang bagong mga ideya ay tinatawag din bilang mga imbensiyon. Ang mga manunulat ay maaaring makaimbento ng mga bagong tauhan, at pagdaka ay umiimbento sila ng isang kuwento patungkol sa mga tauhang ito. Ang mga imbensiyon ay ginagawa ng mga '''imbentor''', ang mga tao na gumagawa ng bagong mga imbensiyon. Ang isang tao na nakaimbento ng bagong mga ideya o mga [[metodo]] (kaparaanan) hinggil sa kung paano gawin ang mga bagay-bagay o mga gawain ay maaari ring tawagin bilang isang imbentor.
 
Ang ilang mga imbensiyon ay maaaring maipatente. Ang isang [[patente]] ay makabatas na nagbibigay ng pruteksiyonproteksiyon sa mga karapatang na pampag-aaring intelektuwal o pang-isipan ng imbentor at legal na kumikilala na ang isang inangking imbensiyon ay talagang isang imbensiyon. Ang mga patakaran at mga kailangan para sa pagpapatente ng isang imbensiyon ay nag-iiba-iba sa bawat isang bansa, at ang proseso ng pagkuha ng isang patente ay madalas na magastos.
 
Ang isa pang kahulugan ng imbensiyon ay ang may kaugnayan sa [[imbensiyong kultural]], na isang [[inobatibo]]ng pangkat ng talagang magagamit na [[social behaviour|kaugaliang panlipunan]] o [[social behavior|kaasalang pangpakikisalamuha]] na inako ng mga tao at ipinasa sa iba pang mga tao.<ref>[http://findarticles.com/p/articles/mi_qa3709/is_199810/ai_n8821092 Artificial Mythologies: A Guide to Cultural Invention] ni Craig J. Saper (1997); Review of Artificial Mythologies. A Guide to cultural Invention, Kirsten Ostherr (1998)</ref> Ang imbensiyon ay isa ring mahalagang bahagi ng pagkamalikhaing pangsining at sa disenyo. Ang mga imbensiyon ay madalas na lumalampas sa mga hangganan ng kaalaman, karanasan, at kakayahan ng tao.
*[[Karl Drais]], imbentor ng Laufmaschine ("makinang tumatakbo") o unang [[bisikleta]].
*[[Harry John Lawson]], imbentor ng ligtas na biseklata (''safety bicycle'').
*[[Nicolas-Joseph Cugnot]], imbentor ng unang [[kotse]] (ang unang behikulong mekanikal na bumubunsod nang kusa at dahil sa sarili lamang nito), ang sasakyang ito ay kumikilos sa pamamagitan ng [[steam engine|makinang pinasisingawan]].
*[[Karl Benz]], imbentor ng unang kotseng matagumpay.
*[[Gottlieb Daimler]], imbentor ng unang kotseng matagumpay na mayroong apat na mga gulong.
 
==Mga sanggunian==
*''Ang ilan sa mga bahagi ng artikulong ito ay hinango mula sa mga artikulong "[[:en:Invention|Invention]]" ng Ingles na Wikipedia at ng "[[:simple:Invention|Invention]]" at "[[:simple:Inventor|Inventor]]" ng Simple Wikipedia (wikipediang ginagamitan ng payak na wikang Ingles).''
{{Reflist}}