Digmaan ng Tatlumpung Taon: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
orthography: -nsya- > -nsiya-, added uncategorised tag using AWB
m (Bot: Migrating 87 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q2487 (translate me))
m (orthography: -nsya- > -nsiya-, added uncategorised tag using AWB)
Ang '''Digmaan ng Tatlumpung Taon''' (1618-1648) (Ingles: ''Thirty Years' War'') ay isa sa mga pinakamapinsalang hidwaan sa kasaysayan ng [[Europa]]. Ang digmaan ay halos-lahat pinaglabanan sa dakong ngayon ay kinalalagyan ng [[Alemanya]], at sa ilan-ilang mga yugto ay kasangkot ang karamihan sa mga bansa sa Europa.
 
Ang pinagmulan ng hidwaan at ang layunin ng mga nasangkot ay masalimuot, at walang iisang dahilan na maaaring ilarawan bilang ang pangunahing sanhi ng pag-aaway. Sa umpisa, ang digmaan ay pinaglabanan bilang isang hidwaang panrelihiyon sa pagitan ng mga [[Protestante]] at mga [[Katoliko]] sa [[Banal na Imperyong Romano]], bagaman ang mga tunggalian sa pulitikang panloob at ang balanse ng kapangyarihan sa loob ng Imperyo ay nagsilbing mahalagang dahilan. Unti-unti, ang digmaan ay lumaki at naging tunay na tunggaliang kinasasangkutan ng karamihan sa mga kahariang Europeo<ref>"The Thirty-Years-War". Western New England College. Retrieved 2008-05-24.</ref>. Sa yugtong ito, ang digmaan ay mas naging pagpapatuloy ng labanang Borbon-Habsburgo para sa kadakilaang pampulitika sa Europa, at sa gayon ay nagdala ng higit pang mga pag-aaway sa pagitan ng [[PransyaPransiya]] at mga kahariang Habsburgo, at mas hindi na tungkol sa relihiyon<ref>"Thirty Years' War". Encyclopædia Britannica. Retrieved 2008-05-24.</ref>.
 
Isang malaking kahihinatnan ng Digmaan ng Tatlumpung Taon ay ang malawakang pagkakasira ng mga pamayanan, na inabuso ng mga nagdagsaang hukbo (''bellum se ipsum alet'', "ang digmaan ay magpapakain sa kaniyang sarili"). Ang pagkakagutom at mga sakit ay nagbawas sa populasyon ng mga estadong Aleman, [[Bohemya]], mga [[Mabababang Lupain]] at [[Italya]], habang nauubusan naman ng pondo ang mga kahariang naglalabanan.
== Mga Talasanggunian ==
{{reflist}}
 
 
{{stub|Kasaysayan}}
{{Uncategorized stub|date=Disyembre 2013}}
 
{{Link FA|fr}}