[[Talaksan:Shrine Bab North West.jpg|thumb|200px|right|Dambana ni Báb sa [[Haifa]], [[Israel]].]]
Si '''Siyyid `Alí Muḥammad Shírází''' ({{lang-fa|سيد علی محمد شیرازی}}) ([[20 Oktubre 20]], [[1819]] – [[9 Hulyo 9]], [[1850]]) ay ang nagtatag ng [[Bábismo]], at isa sa tatlong sentral na mga pigura sa [[Pananampalatayang Bahá'í]]. Isa siyang mangangalakal mula sa [[Shiraz, Iran|Shíráz]], [[PersyaPersiya]], na inangkin sa gulang na dalawampu't-apat (noong [[23 Mayo 23]], [[1844]]) na siya ang pinangakong [[Al-Qa'im (tao)|Qá'im]] (o [[Mahdi]]). Pagkatapos ng pagpapahayag na ito, kinuha niya ang titulong '''Báb''' ({{lang-ar|باب}}) nangangahulugang "Tarangkahan". Binubuo ng ilang daang mga sulat at mga aklat (kadalasang tinatawag na ''mga tableta'') na kanyang sinabi ang mga pag-angking mesiyaniko at binigyan kahulugan ang mga pagtuturo, na binubuo ng isang bagong ''sharí'ah'' o batas pang-[[relihiyon]]. Sa kalaunan, nakakuha ng mga libo-libong mga tagasuporta, na nakakapinsalang nilabanan ng mga klerong Shi'a sa [[Iran]], at sinugpo ng pamahalaang Iran na nagdulot sa libo-libong mga tagasunod, tinatawag na Bábís, na usigin at patayin. Noong 1850, binaril si Báb sa isang grupo ng nagpapaputok sa [[Tabriz|Tabríz]] sa gulang na tatlumpu.