Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Asiryong Simbahan ng Silangan"

m
orthography: -rsya- > -rsiya-, replaced: Persiano → Persa ''(Persian)'' using AWB
m (Bot: Migrating 36 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q203179 (translate me))
m (orthography: -rsya- > -rsiya-, replaced: Persiano → Persa ''(Persian)'' using AWB)
|religion = [[Kristiyanismong Syriac]]
|language = [[Syriac language|Syriac]],<ref>{{cite web|url=http://www.cnewa.us/default.aspx?ID=1&pagetypeID=9&sitecode=US&pageno=3 |title=CNEWA United States - The Assyrian Church of the East |publisher=Cnewa.us |date=1997-08-15 |accessdate=2012-06-12}}</ref> [[Aramaic language|Aramaic]]
|population = 400,000 - 500,000<ref name=Britannica>[http://www.britannica.com/EBchecked/topic/409819/Nestorians "Nestorian"]. ''Encyclopædia Britannica''. Retrieved April 19, Abril 2010.</ref><ref>{{cite web|url=http://www.cnewa.org/ecc-bodypg-us.aspx?eccpageID=1 |title=CNEWA United States - The Assyrian Church of the East |publisher=Cnewa.org |date= |accessdate=2012-06-12}}</ref><ref>[http://www.syriacstudies.com/2012/10/05/the-church-of-the-east-mark-dickens/]</ref>
|website = [http://www.assyrianchurch.com/ www.assyrianchurch.com/]
}}
Ang '''Asiryong Simbahan ng Silangan''' o '''Assyrian Church of the East''' at opisyal na '''Banal an Apostolikong Katolikong Asiryong Simbahan ng Silangan'''<ref>An Introduction to the Christian Orthodox Churches, By John Binns, page 28 [http://books.google.com/books?id=MOA5vfSl3dwC&pg=PA28&ots=4Xlc7SrvU5&dq=%22Apostolic+Catholic+Assyrian+Church+of+the+East&sig=7lX8LhoY23F3bXoC4K7Q4jsmnSA]</ref> {{lang-syc|ܥܕܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܘܫܠܝܚܝܬܐ ܩܬܘܠܝܩܝ ܕܡܕܢܚܐ ܕܐܬܘܪܝܐ}} ''ʻIttā Qaddishtā w-Shlikhāitā Qattoliqi d-Madnĕkhā d-Āturāyē''), ay isang [[Simbahang Syriac]] na historikal na nakasentro sa [[Mesopotamia]]. Ito ang isa sa mga simbahan na nag-aangkin ng pagpapatuloy sa historikal na [[Patriarkada ng Seleucia-Ctesiphon]] - ang [[Simbahan ng Silangan]]. Hindi tulad ng karamihan ng mga simbahang bumabakas ng kanilang mga pinagmulan sa sinaunang panahon, ang modernong Simbahang Asiryo ng Silangan ay walang komunyon sa ibang mga simbahan, sa [[Silangang Ortodokso]], [[Oriental na Ortodokso]] o [[Simbahang Katoliko]]. Ang simbahang ito ay pinamumunuan ng [[Katolikos-Patriarka ng Asiryong Simbahan ng Silangan]] na si [[Mar Dinkha IV]] na kasalukuyang nangangasiwa mula sa [[Chicago]], [[Illinois]], [[United States]]. Sa ilalim ng Katolikos-Patriarka ay ang isang bilang mga [[obispong metropolitano]], mga [[obispo ng diocese]], mga [[pari]] at mga [[deakono]] na naglilingkod sa mga diocese sat parokya sa buong [[Gitnang Silangan]], [[India]], [[Hilagang Amerika]], [[Oceania]], at [[Europa]] kabilang ang Caucaus at Rusya. Sa teolohiya, ang simbahang ito ay nauugnay sa doktrina ng [[Nestoryanismo]] na humantong sa simbahang ito na makilala bilang "Simbahang Nestoryano" bagaman ang mga pinuno ng simbahan ay minsang tumatakwil sa tawag na Nestoryano. Ang simbahang ito ay gumagamit ng dialektong [[Syriac]] ng [[wikang Aramaiko]] sa liturhiya nito na [[Ritong Silangang Syrian]] na kinabibilangan ng mga [[anaphora (liturhiya)|anaphora]] na itinutro kina San [[Thadeo ng Edessa]] at [[San Mari]], [[Teodoro ng Mopsuestia]] at [[Nestorio]].<ref>Cross, F. L. & Livingstone E.A. (eds), Oxford Dictionary of the Christian Church, Oxford University Press, 1997, p.351-352</ref>
 
Ang Simbahan ng Silangan ay umunlad mula sa maagang mga pamayanang Kristiyanon Asiryo sa probinsiyang [[Assuristan]] ng [[Imperyong Partia]]. Sa tugatog nito ay kumalat ito sa sentro ng Mesopotamia hanggang sa Tsina at India. Ang isang alitan tungkol sa paghalili ng patriarka ay humantong sa [[sisma ng 1552]] na humantong sa pagkakaroon ng dalawang magkatunggaling mga [[patriarka]]. Ang isang paksiyon na kalaunang lumitaw mula sa pagkakabahaging ito ay naging modernong simbahang Asiryo ng Silangan samanatalang ang isa pa ay naging simbahang kilala ngayon bilang [[Kaldeong Katolikong Simbahan]] na pumasok sa isang komunyon sa [[Simbahang Katoliko]].
Ang opisyal na pagkilala ay unang ipinagkaloob sa pananampalatayang Kristiyano sa ikaapat na siglo CE sa pag-akyat sa trono ni [[Yazdegerd I]] ng [[Imperyong Sassanid]]. Noong 410 CE, Ang synod ng Seleucia-Ctesiphon ay idinaos sa kabiserang Sassanid na pumayag sa mga namumunong obispo na humalal ng isang pormal na Katolikos o pinuno. Ang Katolikos na si Mar Isaac ay inatasan na parehong mamuno sa pamayanang Kristiyano at sumagot sa ngalan nito sa emperador na Sassanid.<ref>J.-M. Fiey, ''Jalons pour une histoire de l'eglise en Iraq'', (Louvain: Secretariat du CSCO, 1970)</ref><ref>M.-L. Chaumont, ''La Christianisation de l'empire Iranien'', (Louvain: Peeters, 1988).</ref>
 
Sa ilalim ng pamimilit mula sa emperador na Sassanid, ang Simbahang ng Silangan ay papalaking naghangad na idistansiya ang sarili nito mula sa Kanluraning Simbahan ng Imperyo Romano. Noong 424 CE, ang mga obispo ng imperyong Sassanid ay nagpulong sa isang konseho sa ilalim ng Katolikos na si [[Mar Dadisho I]] (421-456) at tinukoy na mula nito ay hindi na sila sasangguni sa mga problemang pang-disiplina o pang teolohiya sa anumang panlabas na kapangyarihan at lalo na sa anumang obispo o Konseho ng Simbahan sa [[Imperyo Romano]].<ref>Henry Hill, ''Light from the East'', (Toronto Canada: Anglican Book Centre, 1988) p. 105.</ref> Sa gayon, ang mga Simbahang Mesopotamian at Persian ay hindi kinatawan sa iba't ibang mga [[Unang Pitong Konsehong Ekumenikal|Konseho ng Simbahan]] ng Kanluraning Simbahan. Hindi naramdaman ng mga pinuno ng Simbahang Persian na sila ay nakatali sa anumang mga desisyon ng ituring na mga konsehong imperyal ng Roma. Sa kabila nito, ang mga kredo at kanon ng [[Unang Konseho ng Nicaea]] na nagpapatibay ng buong pagkadiyos ni Kristo ay pormal na tinanggap sa Synod ng Seleucia-Ctesiphon.<ref name="Cross, F.L. 1997, p. 351">Cross, F.L. & Livingstone E.A. (eds), Oxford Dictionary of the Christian Church, Oxford University Press, 1997, p.&nbsp;351</ref> Ang pagkakaunaw ng Simbahang Asiryo ng Silangan sa terminong [[hypostasis]] ay iba mula sa depinisyong ibinigay sa [[Konseho ng Chalcedon]]. Dahil dito, hindi kailanman inaprubahan ng Asiryong Simbahan ng Silangan ang depinisyong Chalcedonian. <ref name="Cross, F.L. 1997, p. 351"/> Ang kontrobersiya sa teolohiya na sumunod sa [[Unang Konseho ng Efeso]] ay naging mahalagang sandali sa kasaysayan ng Simbahan. Kinondena ng Konseho na [[heretikal]] ang [[Kristolohiya]] ni [[Nestorius]] na ang pag-aatubili nitong ipagkaloob sa [[Marya (ina ni Hesus)|Birheng Marya]] ang pamagat na [[Theotokos]](Ina ng Diyos) ay inunawang ebidensiya na siya ay naniwala sa dalawang magkahiwalay na mga persona(sa halip na sa dalawang mga kalikasan) na presente sa loob ni Kristo. Nakita ng emperador na Sassanid na napopoot sa imperyo Romano ang pagkakataon na siguraduhin ang katapatan ng kanyang mga nasasakupang Kristiyano at nagbigay suporta sa sismang [[Nestorianismo]]. Nagsagawa ng mga hakban ang emperador na Sassanid upang sementuhan ang primasiya ng partidong Nestorian sa loob ng simbahang Persian na nagkakaloob sa mga kasapi nito ng proteksiyon at pagpaslang sa pro-Romanong Katolikos na si Babowai at pinalitan ito ng obispong Nestorian na si Nisibis, Barsauma.<ref>Leonard M Outerbridge, ''The Lost Churches of China'', (Westminster Press, USA, 1952)</ref> Kinumpirma ng Katolikos-Patriarka na si [[Mar Babai I]](497–503) ang assosiasyon ng Simbahang PersianoPersa ''(Persian)'' sa [[Nestorianismo]].
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
 
[[Kategorya:Mga denominasyon ng Kristiyanismo]]
[[Kategorya:Asiryong Simbahan ng Silangan]]