Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Australia"

2,954 bytes added ,  6 years ago
Nagdagdag ng mga tala
(Nagdagdag ng mga tala)
(Nagdagdag ng mga tala)
national_motto =wala (dati'y ''Advance Australia'')|
national_anthem=''[[Advance Australia Fair]]''|
official_languages =[[EnglishWikang languageIngles|EnglishIngles]] (''de facto'')<sup>1</sup>|
capital =[[Canberra]]|
latd=35|latm=15|latNS=S|longd=149|longm=28|longEW=E|
leader_title1 = [[Queen of Australia|Reyna]]|
leader_title2 = [[Governor-General of Australia|Gobernador-Heneral]]|
leader_title3 = [[Prime Minister of Australia|Punong Ministro]] |
leader_title4 = [[Chief Justice of Australia|Punong Mahistrado]]|
leader_name1 = [[Elizabeth II of the United Kingdom|Elizabeth II]]|
leader_name2 = [[QuentinSir BrycePeter Cosgrove]]|
leader_name3 = [[Tony Abbott]]|
leader_name4 = [[Robert French]]|
area_rank=6th|
area_magnitude=1_E12|
population_density_rank = 191st|
sovereignty_type=[[Kalayaan]]|
sovereignty_note=mula sa [[UnitedNagkakaisang KingdomKaharian]]|
established_event1 = [[ConstitutionSaligang-Batas ofng AustraliaAustralya|Saligang-batas]]|
established_event2 = [[Statute of Westminster 1931|Kautusan ng Westminster]]|
established_event3 = [[Australia Act 1986|Batas Australia]]|
established_date1 = [[Enero 1]], [[1901]]|
established_date2 = [[Disyembre 11]], [[1931]]|
established_date3 = [[Marso 13]], [[1986]]|
currency=[[Australian dollar|Dolyar Australyano]]|
currency_code=AUD|
 
== Etimolohiya ==
Binibigkas bilang [əˈstɹæɪljə, -liə] sa Ingles Australyano, ang pangalang Australya ay nagmula sa salitang Latin na ''australis'', na nangangahulugang "katimugan." Tinutukoy din ang bansa sa wikang kolokyal bilang Oz mula noong simula ng ika-20 dantaon. Ang [[Aussie]] ay isang karaniwang salitang pangkalye para sa "Australyano." Sa kapitbahayang [[New Zealand]], at bibihira naman sa Australya mismo, ang pangngalang "Aussie" isay ginagamit din upang tukuyin ang bansa, isang pagbubukod na tawag mula sa mga naninirahan dito. Ang awit-pampalakasan na ''C'mon Aussie C'mon'' ay isang halimbawa ng lokal na gamit ng Aussie bilang kasingkahulugan ng Australya.
 
Ang mga alamat tungkol sa ''Terra Australis Incognita''—isang "di-kilalang kalupaan sa Timog"—ay nag-umpisa mula pa noong panahon ng mga Romano at naging isang karaniwang bagay sa heograpiya ng Kalagitnaang Panahon, bagaman at hindi ito batay sa anumang nasusulat na kaalaman hinggil sa kontinente. Matapos ang pagkakatuklas ng mga Europeo, ang pangalan para sa kalupaang Australyano ay malimit na nagiging batayan ng sikat na ''Terra Australis.''
 
Ang pinakaunang naitalang paggamit ng salitang Australya (''Australia'' sa Ingles) ay noong 1625 sa “Isang talá ng Australya ng Espiritu Santo, isinulat ni Ginoong Richard Hakluyt,” (''A note of Australia del Espíritu Santo, written by Sir Richard Hakluyt'') inilathala ni Samuel Purchas sa ''Hakluytus Posthumus'', isang korupsiyon ng orihinal na pangalang Espanyol na "Tierra Austral del Espíritu Santo" (Katimugang Lupain ng Espiritu Santo) para sa pulo ng [[Vanuatu]]. Ang pang-uring Olandes na salitang ''Australische'' ay ginamit sa isang aklat na Olandes sa [[Batavia]] ([[Jakarta]]) noong 1638, upang tumukoy sa bagong tuklas na mga lupain sa timog. Ginamit sa ibang pagkakataon ang ''Australia'' noong 1693 sa isang salin ng ''Les Aventures de Jacques Sadeur dans la Découverte et le Voyage de la Terre Australe'', isang nobelang Pranses noong 1676 ni Gabriel de Foigny, sa ilalim ng sagisag-panulat na Jacques Sadeur. Upang tumukoy sa buong rehiyon ng Timog Pasipiko, ginamit ito ni Alexander Dalrymple sa Isang Makasaysayang Paglilikom ng mga Paglalakbay at mga Natuklasan sa Timog Karagatang Pasipiko (''An Historical Collection of Voyages and Discoveries in the South Pacific Ocean'') noong 1771. Sa pagtatapos ng ika-18 siglo, ang katawagan ay ginamit upang partikular na tukuyin ang mismong bansa, na isinulat naman ng mga botanistang sina George Shaw at Ginoong James Smith ang tungkol sa “malawak na pulo, o manapa’y kontinente, ng Australya, Australasya, o [[Bagong Olandiya]]” sa kanilang dokumento noong 1793 na Soolohiya at Botanika ng Bagong Olandiya (''Zoology and Botany of New Holland''), at si James Wilson naman na isinama ito sa isang talangguhit noong 1799.
 
Ang pangalang Australya ay pinasikat ng manlalakbay na si Matthew Flinders, na nagtulak dito upang pormal itong pagtibayin simula 1804. Sa dokumento ni Robert Brown na Pangkalahatang puna, heograprikal at sistematikal, hinggil sa botanika ng Terra Australis (''General remarks, geographical and systematical, on the botany of Terra Australis''), ginamit ni Brown ang salitang pang-uri na ''Australyano'' (''Australian'' sa Ingles) sa kabuuan – ang unang nalalamang gamit ng pormang iyon. Sa kabila ng popular na kabatiran, ang aklat ay hindi nakatulong sa pag-angkin ng pangalan: ang pangalan ay unti-unting tinanggap higit sampung taon pa ang dumaan.
 
Ang unang beses na ang pangalang Australya ay lumitaw upang opisyal na gamitin ay sa isang pagsugo kay Lord Bathurst ng 04 Abril 1817 kung saan kinilala ni Gobernador Lachlan Macquarie ang pagtanggap sa mga talangguhit ng Australya ni Kapitan Flinders. Noong 12 Disyembre 1817, itinagubilin ni Macquarie sa Tanggapang Kolonyal na pormal itong kilalanin. Noong 1824, sumang-ayon ang Kaalmirantehan (''Admiralty'') na ang kontinente’y dapat opisyal na kilalanin bilang ''Australya''.
 
== Tingnan din ==
623

edit