Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Moda"

Ang industriya ng moda ay produkto ng modernong pagbabago. Sa kalagitnaan ng ikalabinsiyam na siglo, karamihan sa mga kasuotan ay pasadya. Madalas ay sarili gawa sa bahay o paggawa sa mananahi, at ''Handmade'' o tanging kamay lamang ang gamit sa paggawa ng mga ito. Sa simula ng ikadalawampung siglo ay nagusbog ang pagunlad ng teknolohiya at malaki ang naging epekto nito sa industriya ng moda. Nagsilabasan at nauso ang mga makinilya (Ingles: ''sewing machine'') o makinang ginagamit sa pananahi. Sa patuloy na pagunlad ng teknolohiya ay naitayo ang mga pabrika o pagawaan ng mga kasuotan. Dahil sa mga pabrikang ito ay naging posible ang maramihang produksyon ng mga kasuotan at kasabay nito ang pagusbog ng mga almasen (Ingles: ''department store'') kung saan naibebenta ng maramihan ang mga kasuotan. Sa kasalukuyan ay matutunghayaan ang naging epekto ng moda sa mundo, kung saan nagkakaroon ng kumpetisyon sa mga bagong estilo at kabagayan ng kasuotan. Isang malaking ''asset'' ng pandaigdigang kapitalismo ang industriya ng moda.
 
=== Epekto ng Midya ===
 
Ang midya ay mahalagang aspeto sa konsepto ng moda. Ang midya ay ginagamit sa pagpapalawak ng mga ideya ng mga nahihilig sa moda. Dahil walang tiyak na antas ng kagandahan ang moda, ay nagiging instrumento ang midya sa pagtukoy ng uso ayon sa ''intersubjective consensus'' o pangkalahatang opinyon.
Anonymous user