Kultura: Pagkakaiba sa mga binago

2,637 byte added ,  7 year ago
m
Reverted 1 edit by 116.50.171.90 (talk) to last revision by Matiia. (TW)
(Boah)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
m (Reverted 1 edit by 116.50.171.90 (talk) to last revision by Matiia. (TW))
Noong ika-20 daantaon, umahon ang "kalinangan" bilang isang diwa na nakapagitna o naging pangunahin sa larangan ng [[antropolohiya]], na nagsasangkot ng lahat ng mga kababalaghan o penomenong pantao na hindi puro mga kinalabasan ng henetika ng tao. Katulad ito ng katagang "kultura" sa antropolohiyang Amerikano na may dalawang kahulugan: (1) ang umunlad na kakahayan ng tao upang uri-uriin at katawanin ang mga karanasan sa pamamagitan ng mga [[sagisag]], at gumalaw na may imahinasyon at malikhain; at (2) ang namumukod-tanging mga kaparaanan ng tao na namumuhay sa iba't ibang mga bahagi ng mundo na nag-uri at kumatawan sa kanilang mga karanasan, at kumilos na ayon sa pagiging malikhain nila. Pagkalipas ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], ang katawagan ay naging napakahalaga, bagaman mayroong dalawang magkaibang mga kahulugan, sa ibang mga disiplinang katulad ng [[araling pangkalinangan]], [[sikolohiyang organisasyonal]], ang [[sosyolohiya ng kalinangan]] at [[araling pampamamahala]].
 
== Etimolohiya ==
BLAH BLAH BLAH
Ang [[etimolohiya]] ng makabagong katagang "kultura" ay may simulaing klasikal. Sa wikang Ingles, ang salitang "kultura" ay ibinatay sa isang katagang ginamit ni [[Cicero]], mula sa kanyang ''[[Tusculanae Disputationes]]'' (Tuskulanong Pagmamatuwiran), kung saan siya nagsulat ng paglilinang ng kaluluwa o ''"cultura animi"'', kung kaya't gumamit ng isang metapor na pang-agrikultura upang ilarawan ang pag-unlad ng isang kaluluwang makapilosopiya, na naunawaan sa [[teolohiya]] bilang isang nag-iisang likas at pinakamataas na maaaring adhikain para sa kaunlarang pantao. Ginamit ni [[Samuel Pufendorf]] ang talinghagang ito sa isang makabagong diwa, na may kahalintulad na kahulugan, ngunit hindi na hinihinala na ang pilosopiya ang likas na perpeksiyon ng tao. Ang paggamit na ito ni Pufendorf, at ng iba pang maraming mga manunulat pagkaraan niya, ay may ganitong pagpapaliwanag: na ang kalinangan ay "tumutukoy sa lahat ng mga paraan na ginagamit ng tao upang mapagtagumapayan ang kanilang simulain may [[barbarismo]], at sa pamamagitan ng katalinuhan, karunungan, at kasanayan, ay maging talagang tao".<ref name=velkley>{{Cite book|title=Being after Rousseau: Philosophy and Culture in Question| last=Velkley|first=Richard|year=2002|chapter=The Tension in the Beautiful: On Culture and Civilization in Rousseau and German Philosophy|pages=11–30|publisher=The University of Chicago Press|ref=harv|postscript=}}</ref>
 
Ayon sa paglalarawan ni Velkley<ref name=velkley/>: <blockquote>Ang katagang "kalinangan," na sa simula ay nangangahulugang paglilinang ng kaluluwa o isipan, ay nagkamit ng karamihan sa makabagong mga kahulugan nito sa bandang huli magmula sa mga sulatin ng mga mapag-isip na Aleman noong ika-18 daantaon, na sa samu't saring mga antas ay nagpaunlad sa kritisimo ni [[Rousseau]] ng [[modernidad|modernong]] [[liberalismo]] at [[Panahon ng Pagpapaliwanag|Pagpapaliwanag]]. Kaya't may pagkakaiba sa pagitan ng "kultura" at "[[kabihasnan]]" mula sa mga may-akdang ito, kahit na ipinadarama bilang ganyan. Ang dalawang pangunahing mga kahulugan ng kalinangan ay lumitaw magmula sa kapanahunang ito: ang kalinangan bilang isang espiritu ng taumbayan na may natatanging katauhan; at ang kultura bilang paglilinang na papaloob o papunta sa loob ng sarili, o paglilinang ng indibidwalismong malaya. Ang unang kahulugan ay nangingibabaw sa pangkasalukuyang paggamit ng katagang "kultura", bagaman ang pangalawa ay may ginaganapan pa rin na isang malaking gampanin sa naiisip natin bilang kung ano ang dapat makamtan ng kalinangan: ang buong "pagpapadama" ng pagkanatatangi ng "totoo" o "tunay" na sarili.</blockquote>
 
== Mga sanggunian ==
162

edit