Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Grabidad"

walang buod ng pagbabago
[[Talaksan:Ecliptic plane 3d view.gif|right|300px|thumb|Ang dagsin o kadagsinan ang nagpapanatili sa mga [[planeta]] sa kani-kanilang [[ligiran]] sa palibot ng [[araw]].]]
 
Ang '''Dagsin''' (grabidad) o '''Kadagsinan''' (grabitasyon''')<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Gravity'', dagsin, grabida(d), atbp}}</ref>([[wikang Ingles|Ingles]]: ''gravity''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Grabedad, grabiti, kalubhaan, kagrabihan}}</ref>) ay isang natural na [[phenomenon]] kung saan ang mga pisikal na katawan(bodies) ay nabibighani o naaakit sa isang pwersang [[proporsiyon]]al sa mga [[bugat]] nito. Ang kadagsinan ay pinakapamilyar na ahente na nagbibigay ng timbang sa mga bagay na may [[bugat]] at nagsasanhi sa mga ito na bumagsak sa lupa kapat ito ay nahulog. Ito ay nagsasanhi sa mga nakakalat na mga bagay para magtipon at kaya ay nagpapaliwanag ng pag-iral, pagkakabuo at hugis ng mga bagay sa kalawakan kabilang ang mga planeta gaya ng [[mundo]], mga bituin gaya ng [[araw]], at iba pang mga katawang [[makroskopiko]] na makikita sa [[sansinukob]]. Ang "''grabitasyon''" ang sanhi ng: pagkakapanatili ng mundo at ng ibang mga [[planeta]] ng [[sistemang Pang-araw]] sa mga [[ligiran]] nito sa araw, pananatili ng [[buwan]] sa ligiran nito sa mundo, sa pagkakaroon ng mga agos at pagtaas at pagbaba ng antas ng tubig (pagkati at paglaki ng tubig), sa [[kumbeksyon]] (''convection''; kung saan umaangat ang mga maiinit na pluido sa pamamagitan nito), sa pagpapa-init ng mga panloob ng mga nabubuong mga [[bituin]] at mga planeta magpahanggang sa mga labis na pinakamataas na mga antas ng temperatura at marami pang ibang mga phenomena. Ang kadagsinan ay inilalarawan ng [[pangkalahatang relatibidad]] bilang kurbada o pagbaluktot ng [[espasyo-panahon]] na nangangasiwa ng mosyon ng mga bagay na [[tigal]]. Ang mas simpleng batas ng kadagsinan ni [[Isaac Newton|Newton]] ay nagbibigay ng isang tumpak na aproksimasyon para sa karamihan ng mga pisikal na sitwasyon. Ang kadagsinan ay isa sa [[apat na pundamental na interaksiyon]] ng [[kalikasan]]. Ang iba ay ang [[dagitabbalani]], [[malakas na interaksiyon]] at [[mahinang interaksiyon]]. Ito ay mas mahina kung ihahambing sa tatlo pang pangunahing lakas, datapwa't mas malayo ang nasasakop nito.
== Mga paliwanag ==
Ang kadagsinan ay kasalukuyang inilalarawan ng makabagong [[pisika]] sa pamamagitan ng [[teoriyang pangkalahatang relatibidad]] ni [[Albert Einstein]] na kanyang inilathala noong 1916 at pumalit sa [[batas ng unibersal na grabitasyon ni Newton]]. Ang [[batas ng unibersal na grabitasyon ni Newton]] ay isang mahusay na aproksimasyon o pagtatantiya kung ang mga grabitasyonal na field ay relatibong mahina at ang [[hagibis]] ay mas mabagal kumpara sa [[bilis ng liwanag]]. Kapag inalis ang kurbada ng kalawakan sa ekwasyon ng [[teoriyang pangkalahatang relatibidad]], ito ay nagtatagpo sa [[batas ng unibersal na grabitasyon ni Newton]] ngunit kung ang kurbada ng kalawakan ay mahalaga gaya ng sa mga labis na malalaki at mabibilis na mga katawan, ang grabitasyon ni Newton ay hindi tamang humuhula sa [[mosyon]] ng mga katawan na ito. Ang isang halimbawa nito ang isang maliit na katawan na umiikot sa isang [[bituing neutron]]. Ang [[ligiran]] nito ay hindi na [[eliptiko]] at may komplikadong hugis.<ref>http://csep10.phys.utk.edu/astr162/lect/cosmology/gravity.html</ref>
=== Mekanikang quantum ===
Pagkatapos ng ilang mga dekada nang matuklasan ang [[pangkalahatang relatibidad]], natantong ang pangkalahatang relatibidad ay hindi umaayon sa [[mekanikang quantum]]. Ang mga [[graviton]] ay iminungkahi dahil sa dakilang tagumpay ng [[teoriyang quantum field]](sa partikular ang [[Pamantayang Modelo]]) sa pagmomodelo ng pag-aasal ng lahat ng iba pang mga [[pundamental na interaksiyon|pundamental na pwersa]] ng kalikasan bilang pinamamagitan ng mga elementaryong partikulo. Ang [[dagitabbalani]] ay ng [[photon]], ang [[malakas na interaksiyon]] ng [[gluon]], ang [[mahinang interaksiyon]] ng mga [[boson na W at Z]]. Ang hipotesis ay ang grabitasyonal na interaksiyon ay pinamamagitan rin ng hindi pa natutuklasang elementaryong partikulo na tinawag na [[graviton]]. Sa [[klasikong hangganan]], ang teoriyang ito ay liliit sa [[pangkalahatang relatibidad]] at umaayon sa batas kadagsinan ni [[Newton]] sa hangganang mahinang field.<ref>{{cite book |last= Feynman |first= R. P. |coauthors= Morinigo, F. B., Wagner, W. G., & Hatfield, B. |title= Feynman lectures on gravitation |publisher= Addison-Wesley |year= 1995 |isbn=0201627345 }}</ref><ref>{{cite book | author=Zee, A. |title=Quantum Field Theory in a Nutshell | publisher = Princeton University Press | year=2003 | isbn=0-691-01019-6}}</ref><ref>{{cite book | author=Randall, Lisa | title=Warped Passages: Unraveling the Universe's Hidden Dimensions | publisher=Ecco | year=2005 | isbn=0-06-053108-8}}</ref> Ang mga pagtatangka na palawigin ang [[Pamantayang Modelo]] o iba pang mga [[teoriyang quantum field]] sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga [[graviton]] ay tumutungo sa mga malubhang teoretikal na kahirapan sa mataaas na mga [[enerhiyalakas]](mga prosesong sumasangkot sa mga enerhiyang malapit sa o mataas sa [[skalang Planck]]) dahil ang mga [[inpinidad]] ay lumilitaw sanhi ng mga epektong quantum o sa teknikal na mga termino, ang grabitasyon ay [[renormalisasyon|hindi renormalisable]]. Dahil sa ang klasikong pangkalahatang relatibdiad at [[mekanikang quantum]] ay hindi magkaayon sa gayong mga enerhiya, mula sa teoretikal na pananaw, ito ay hindi maipagtatanggol. Ang isang posibleng solusyon ang pagpapalit ng mga partikulo ng [[teoriya ng tali|tali]].
<ref>{{cite news |author=[[Alan Sokal]] |title=Don't Pull the String Yet on Superstring Theory |url=http://query.nytimes.com/gst/fullpage.html?res=9D0DE7DB1639F931A15754C0A960958260 |date=July 22, 1996 |publisher=''[[The New York Times]]''| accessdate=March 26, 2010}}</ref>
 
114

edits