Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pagpapaulit-ulit ng tubig"

dagdag
m (stub sorting using AWB)
(dagdag)
 
[[Talaksan:Water cycle.png|thumb|320px|right|Ang pagpapaulit-ulit ng tubig.]]
Ang '''ikot-tubig''' o '''pagpapaulit-ulit ng tubig''' (kilala sa Ingles bilang ''water cycle'') ay isang proseso o paraan ng kalikasan kung saan ang [[tubig]] ay pinababago ang anyo at porma ngunit nanatili ang pangunahing sangkap nito bilang isang ''kompuwesto'' o pinagbuklod na sangkap ng elemento ng [[hidrogeno]] at [[oksiheno]]. Ang pagbabagubago ng temperatura o init at lamig sa kapaligiran ay siyang nagiging dahilan kung bakit nagbabago ang panlabas o pisikal na anyo at ayos ng tubig. Ang katamtamang init at lamig ay siyang nagpapanatili sa anyo ng tubig bilang isang agos o likido. Sa ganitong anyo, ang tubig ay nagagamit at mahalaga sa lahat ng uri ng [[halaman]], [[hayop]], mumunti man o malaki at maging sa mga tao. Ang labis na init sa hangin dala ng sikat ng [[araw (astronomiya)|araw]] o iba pa mang dahilan ay siyang dahilan naman upang ang tubig ay maging singaw. Sa anyong ito, ang tubig bilang singaw ay madaling mapadpad sa [[hangin]] sa himpapawid. Kapag ang singaw ng tubig ay nakarating sa himpapawid na may mababang temperatura, ang tubig ay sasailalim sa paraan ng kondensasyon o pagtitipun ng bahagi nito upang maging [[ulap]] dahil sa malamig na hangin. Kapag ang natipun na bahagi ng tubig singaw ay mabigat na, ito ay susundan ng paraan o proseso ng presipitasyon o pagbagsak ng tubig bilang agos/likido dahil naabot na ang saturation point o wastong bigat para maging ulan ito sa himpapawid. Ang kaganapang ito ay paulit ulit na nangyayari sa kalikasan na siyang tinawag ngang pagpapaulit-ulit ng tubig. Ang pangangalaga sa mga [[punong kahoy]] at sa malawak na kagubatan ay mahalaga sa prosesong ito upang patuloy na may mapakinabangang tubig sa [[daigdig]] na siyang mahalaga sa lahat ng buhay na naninirahan dito. Isang [[teknolohiya]] na gumagamit ng tubig bilang gatong sa makinarya ay lubhang mapanganib na kaalaman, ito ay sa dahilang ang pagkuha ng lakas o enerhiya sa tubig ay sisira sa pagpapaulit-ulit ng tubig na nabanggit dito. Ang paghihiwalay ng sangkap elemento ng tubig na hidroheno at oksiheno ay magdudulot ng pirmihang pagwasak sa pasikutang ganap ng tubig. Ang naghiwalay na [[elementong kimikal|elemento]] na sangkap ng tubig ay di na maibabalik, pati ang singaw na anyo ng tubig ay mawawala ng lubusan upang wakasan ang prosesong ito. Sinasabing dapat pigilin ang teknolohiyang ito.
 
[[Kategorya:Kalikasan]]