Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pagmimina"

walang buod ng pagbabago
Ang '''pagmimina''' ay pagmimina hahahha isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang anumang [[materyal]] na hindi malilikha at mapapalago ay kailangang minahin. Ang pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ''ekstraksiyon'', ''paghango'', o ''paghugot''. Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga [[metal]] at mga [[mineral]], na katulad ng [[uling]], [[ginto]], [[pilak]], [[platinum]], [[tanso]], at [[bakal]]. Maaari rin namang iba pang mga bagay, katulad ng [[langis]] at [[likas na gas]]. Ang taong nagmimina ay tinatawag na '''tagapagmina''', '''tagamina''', '''mangmimina''', o '''minero'''.
 
Ilang uri ng pagmimina ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkayod ng lupa o dumi mula sa ibabaw ng lupa. Tinatawag itong '''pagmiminang patalop''' o ''strip mining'' sa Ingles. Ang ilang pagmimina ay isinasagawa sa pamamagitan ng malalim na pagpunta sa ilalim ng lupa upang marating ang isang '''poso ng mina''' (''mine shaft'' sa Ingles). Tinatawag ang ganitong pagmimina bilang '''pagmimina sa ilalim ng lupa''' o ''undergound mining''. Ang ilang pagmimina, katulad ng pagmimina ng ginto, ay isinasagawa sa ibang mga paraan. Ang ginto ay maaaring mamina sa pamamagitan ng paghahanap sa loob ng himlayan ng isang [[ilog]] o ibang agusan o bugsuan ng [[tubig]] upang maalis ang mga maliliit na piraso ng ginto. Tinatawag itong '''pananala ng ginto'''.
Anonymous user