Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Komunikasyon"

walang buod ng pagbabago
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 180.190.67.39 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Jojit fb)
Ang '''komunikasyon''', '''pahatiran''', o '''pakikipagtalastasan''' ay isang [[proseso]] ng [[palitan|pagpapalitan]] ng [[impormasyon]] na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga [[simbolo]]. Ang [[araling pangkomunikasyon]] ang [[disiplinang pang-akademya]] na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.
 
Ang komunikasyon (galing sa salitang [[wikang Latin|Latin]] na  ''commūnicāre'', na ang ibig sabihin ay "ibahagi") ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko. Ang komunikasyon sa [[biyolohiya]] ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sa biyokimikal na paraan. Ang komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba dahil sa malawak na gamit ng [[wika]]. Ang hindi pang-taong komunikasyon naman ay inaaral sa biyosemiyotiko.