Kritikal na pag-iisip: Pagkakaiba sa mga pagbabago

Fixed typo
No edit summary
(Fixed typo)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago gamit mobile app
 
Ang '''kritikal na pag-iisip''' o tinatawag ding '''pagsusuring kritikal''' ay ang malinaw at makatuwirang [[kaisipan|pag-iisip]] na kinasasangkutan ng pagpuna. Nagbabago ang mga detalye nito base sa taong nagbibigay ng kahulugan dito. Ayon kay Barry K. Beyer (1995), ang kritikal na pag-iisip ay ang paggawa ng malinaw at mga makatuwirang panghuhusga. Sa proseso ng pag-iisip ng kritikal, nararapat na pinangangatuwiranan at pinagiisipang mabuti ang mga ideya. Binigyang kahulugan ng The National Council for Excellence in Critical Thinking (Pambansang Konseho para sa Kahusayan sa Kritikal na Pag-iisip) sa [[Estados Unidos]] ang kritikal na pag-iisip bilang isang matalinong proseso ng aktibo at dalubhasang pagpapalagay, pagsasabuhay, pagsusuri, pagbubuo, at o di kaya ang paglilitis ng impormasyong nakalap, o nabuo mula sa, [[obserbasyon]], karanasan, repleksyon, pangangatuwiran, o [[komunikasyon]] bilang gabay sa paniniwala at kilos.
 
Sa taguring kritikal na pag-iisip, ang [[wikang Ingles|salitang Ingles]] na ''critical'', ([[wikang Griyego|Griyego]] = κριτικός = kritikos = kritiko) ay galling sa salitang ''critic'' at nagpapahiwatig ng isang puna; pinakikilala nito ang intelektuwal na kapasidad at ang paraan, “ng panghuhusga”, “ng hatol”, “para sa paghuhusga”, at ang pagkakaroon ng, “kakayahang umunawa”.
Hindi nakikilalang mga tagagamit