Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Imperyong Romano"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 203.87.129.145 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Ermahgerd9
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 203.87.129.145 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Ermahgerd9)
Ang '''Imperyo ng mga Romano''' (Ingles: ''Roman Empire'') ([[Wikang Latin|Latin]]: {{aut|Imperium Romanum}}) ang tawag sa [[Republikang Romano|imperyalistang]] paghahari ng mga [[Romano]] sa malaking bahagi ng [[Europa]], [[Asya]] at [[Aprika|Hilagang Aprika]], na may autokratikong porma ng pamahalaan.<ref>"Roman Empire," Microsoft Encarta Online Encyclopedia 2008</ref> Sumunod ang Panahon ng Imperyong Romano sa 500-taong [[Republikang Romano|Republika Romana]] (510 BC&nbsp;– siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ng mga heneral katulad ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni [[Julio Cesar]] (Julius Caesar) laban kay [[Pompey]]. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang habang-buhay diktador o ''Diktador Perpetuidad'' (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio (na tagapagmana ni Caesar), sa Labanan sa Actium (ika-2&nbsp;ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng [[Senadong Romano]] kay [[Augustus Caesar|Octavio]] ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16&nbsp;ng Enero 27 BC).
 
Ang katagang ''Imperium Romanum'' (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano. Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa [[Inglatera]] at Galia ([[Francia]] ngayon); sa halos buong [[Europa]] (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang [[Aprika]], kasama ang katabing lalawigan ng [[Ehipto]], sa mga lugar ng mga Balkans, sa [[Dagat Itim]], sa [[Asya Menor]] at halos buo ng [[Levante]]. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Pilipinas[[Portugal]], [[Espanya]], [[Britanyang Romano|Inglatera]] at Francia, [[Italya]], [[Albania]], at [[Grecia|Gresya (Greece)]], ang mga Balkanos, [[Turquia]], at mga bahagi ng silangan at timog [[Alemania]]; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan: ang kasalukyang [[Syria|Siria]], [[Lebanon|Libano]], [[Israel]], [[Jordan]] at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang [[Libya]], [[Tunisia]], [[Algeria]] at [[Morocco]], hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng [[Gibraltar]]. Romano ang tawag ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano. Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador [[Trajan]]o sa pananakop nito ng Dacia (i.e., ng kasalukuyang [[Romania]] at [[Moldova]]) gayundin ang ilang bahagi ng [[Hungary]], [[Bulgaria]] at [[Ukraine]] noong AD 106, at ng [[Mesopotamia]] noong 116 (na sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong Romano ang may 5,900,000&nbsp;km² (2,300,000 milya kwadrado) ng lupa at nakapaloob na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare nostrum"—Latin ng “aming dagat”. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang impluwensiyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon, gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno nito.
 
Minsang inilalagay ang wakas ng Imperyong Romano sa ika-4&nbsp;ng Setyembre 476 AD nang pinatalsik ang 14-taong gulang na emperador ng Kanlurang Imperyong Romano na si [[Romulus Augustulus]] na hindi na napalitan. Subalit, si [[Diocleciano]] na nagretiro noong AD 305, ang nag-iisang huling ''Emperador ng di-nahahating Imperyo'' o ''Klasikal na Imperyong Romano'' kung saan ang kabisera ay ang [[Roma|Lungsod ng Roma]]. Matapos hatiin ni [[Diocleciano]] bilang Silangan at Kanlurang bahagi ang Imperyo, nagpatuloy ang bawat sanga na may kanyang istilo ng “Imperyong Romano”. Humupa at bumagsak ang Imperyong Romano ng Kanluran sa pagdaan ng ika-5 siglo. Ang [[Silangang Imperyong Romano]], na nakatahan sa [[Constantinople|Nova Roma]] (na ibinunsad ni [[Constantino I]] sa Griyegong lungsod ng [[Bizancio]]) at nang lumaon Griyego ang naging pangunahing wika nito na kilala ngayong bilang [[Byzantine Empire|Imperyong Bizantino]] at nagpanatili sa mga batas at kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at pagsakop ng [[Constantinople]] ([[Istanbul]] ngayon), ang naging pangalan ng lungsod ni Constantino, sa mga kamay ng [[Imperyong Ottoman]] noong 1453.