Simbahang Katolikong Romano: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 130.105.193.125 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Namayan
Linya 8:
 
==Kasaysayan==
Gaya ng ibang mga sekta ng [[Kristiyanismo]] gaya ng mga [[Simbahang Ortodokso]], ang Simbahang Romano Katoliko ay nag-aangkin na ang tradisyon nito ay itinatag ni [[Hesus]]. Sa teolohiya ng Simbahang Romano Katoliko, ang doktrinang [[paghaliling apostoliko]] ay nag-aangkin na ibinigay ni [[Hesus]] ang buong sakramental na kapangyarihan sa simbahan sa 12 apostol sa sakramento ng mga Banal na Kautusan at gumagawa sa mga itong unang obispo. Sa pagkakaloob ng kabuuan ng sakramento ng mga Banal na Kautusuan, ang mga ito ay binigyan ng kapangyarihan na magkaloob ng sakramento sa iba pa at nagpapasagrado sa maraming mga obispo sa isang direktang linya na nagmumula sa mga Apostol at kay Hesus. Ang doktrina ng [[Apostolikong paghalili]] ay hindi lang natatangi sa Romano Katoliko at ang iba't ibang mga sekta ng Kristiyanismo ay nag-aangkin rin ng teolohiyang ito gaya ng mga [[Simbahang Ortodokso]], mga [[Luther]]ano at iba pa. Ayon sa Simbahang Katoliko Romano si [[Pedro]] na [[apostol]] ni Hesus ang unang ''obispo ng Roma'' at gumawa sa isang nagngangalang [[Linus]] bilang kahalili niyang obispo at kaya ay nagpasimula ito ng isang linyang paghalili ng mga obispo mula kay Pedro na kinabibilangan ng mga kasalukuyang [[papa]] ng Romano Katoliko. Gayunpaman, isinaad sa ''[[mga konstitusyong apostoliko]]'' na si [[Linus]] ang ''unang obispo ng Roma'' at inordinahan ni [[Apostol Pablo]] at si Linus ay hinalinhan ni [[Clemente]] na inordinahan naman ni Pedro. Ayon sa mga eskolar at historyan, ang opisinang
TANGINA TITE KAYONG LAHAT
''Monarkikal na Obispo'' ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE. Sa mga liham lamang ni [[Ignacio ng Antioquia]] sa kanyang pagtungo sa Roma noong ika-2 siglo na kanyang inilarawan at ikinatwiran na ang mga simbahan ay pinangunahan ng isang obispo na inaalalayan ng mga presbitero at deakono.<ref>Epistle to the Magnesians 6.1</ref> Ayon kay propesor [[:en:Richard McBrien|Richard McBrien]], "dapat maalala na salungat sa banal na paniniwala ng Katoliko--ang monoarkikal na istrukturang episkopal ng simbahan (na kilala bilang episkopatang monarkikal kung saan ang bawat diyoses ay pinamumunuan ng isang obispo) ay hindi pa umiiral sa Roma sa panahong ito.<ref>McBrien, Richard P. Lives of the Popes: The Pontiffs from St. Peter to Benedict XVI. Harper, San Francisco, 2005 updated ed., p. 34</ref> Ayon kay Padre [[:en:Francis A. Sullivan|Francis A. Sullivan]], "ang makukuhang ebidensiya ay nagpapakita na ang simbahan sa Roma ay pinamunuan ng isang kolehiyo ng mga presbitero sa halip na isang obispo sa loob ng hindi bababa sa ilang mga dekada ng ikalawang siglo CE.<ref>Sullivan F.A. From Apostles to Bishops: the development of the episcopacy in the early church. Newman Press, Mahwah (NJ), 2001, p. 80,221-222</ref> Ayon din kay Fr. Sullivan, "Ang [[Bagong Tipan]] o ang sinaunang kasaysayang Kristiyano ay hindi nag-aalok ng suporta sa nosyon ng [[paghaliling apostoliko]] bilang 'isang hindi naputol na linya ng ordinasyong episkopal sa pamamagitan ng mga apostol sa mga siglo tungo sa mga obispo ngayon'" at "Ang Bagong Tipan ay hindi nag-aalok ng suporta para sa teoriya ng paghaliling apostoliko na nagpapalagay na ang mga apostol ay humirang o nag-ordina ng isang obispo para sa bawat mga simbahang kanilang itinatag".<ref>Sullivan F.A. From Apostles to Bishops: The Development of the Episcopacy in the Early Church, p. 14</ref>
 
Ang mga kondisyon sa [[imperyo Romano]] ay nagpadali sa pagkalat ng mga bagong ideya. Ang mga mahuhusay na lansangan at mga daanang pantubig ay pumayag sa madaling paglalakbay samantalang ang [[Pax Romana]] ay gumawa sa paglalakbay mula sa isang rehiyon tungo sa isa pa na ligtas. Ang mga sinaunang Kristiyano ay nakaakay ng mga pamayanang [[Hudaismo|Hudyo]] sa buong [[Dagat Meditteraneo]].<ref name=chadwickhenry23and24/><ref name="Hitchcock 281">Hitchcock, ''Geography of Religion'' (2004), p. 281, quote: "By the year 100, more than 40&nbsp;Christian communities existed in cities around the Mediterranean, including two in North Africa, at Alexandria and Cyrene, and several in Italy."</ref> Bagaman ang karamihan ng mga naakay sa Kristiyanismo ay mula sa Imperyo Romano, ang mga kilalang pamayanang Kristiyano ay itinatag rin sa [[Armenia]], [[Iran]] at sa kahabaan ng [[Baybaying Malabar]].<ref name="AFM">A.E. Medlycott, ''India and The Apostle Thomas'', pp.1-71, 213-97; M.R. James, ''Apocryphal New Testament'', pp.364-436; Eusebius, ''History'', chapter 4:30; J.N. Farquhar, ''The Apostle Thomas in North India'', chapter 4:30; V.A. Smith, ''Early History of India'', p.235; L.W. Brown, ''The Indian Christians of St. Thomas'', p.49-59</ref><ref>http://www.stthoma.com/</ref> Ang bagong [[relihiyon]] na Kristiyanismo ay pinakamatagumpay sa mga lugar na urbano at kumalat muna sa mga [[alipin]] at mga tao na may mabababang mga katayuan sa lipunan.<ref>McMullen, pp. 37, 83.</ref>
 
===Unang siglo===
====Alitan sa pagitan ng mga pinunong Kristiyano====
Sa simula, ang [[Hudaismo]] at Kristiyanismo ayon sa mga eskolar ay hindi pa hiwalay at ang mga Kristiyano ay sumasambang kasama ng mga Hudyo na tinatawag ng mga historyan na [[Hudyong Kristiyano]] gaya ng mga [[Ebionita]]. Ang mga Hudyong Kristiyano ang bumubuo sa karamihan ng mga Kristiyano sa unang siglo ng Kristiyanismo at sumusunod pa rin sa mga Kautusan ni [[Moises]] ayon sa [[Mga Gawa ng mga Apostol]].<ref name="Davidson115">Davidson, ''The Birth of the Church'' (2005), p. 115</ref> Gayunpaman, dahil ang mga ibang Kristiyano ay nagsimulang umakay sa mga [[hentil]] (hindi Hudyo), nagkaroon ng alitan sa pagitan ng mga Kristiyano kung dapat pang sundin ng mga [[hentil]] (hindi-Hudyo) ang mga kautusan ni Moises. Upang malutas ang mga magkakatunggaling pananaw tungkol sa Kautusan ni Moises, ang [[konseho ng Herusalem]] ay tinipon ng mga haligi ng iglesia (simbahan) na sina Pedro at Santiago ({{bibleverse||Galacia|2:9}}). Nagpasya si [[Santiago ang Makatarungan]] na ang mga [[hentil]] (hindi-Hudyo) ay maaaring maging mga Kristiyano nang hindi sumusunod sa ''ilang'' mga kautusan ni Moises gaya ng pagtutuli ngunit ''kailangan'' pa ring silang sumunod sa ilang mga kautusan ni Moises gaya ng paglayo sa ''mga pagkaing inihandog sa mga diyos-diyosan at binigti at dugo, imoralidad...sapagkat ang kautusan ni Moises ay ipinapangaral sa bawat lungsod mula pa nang unang panahon at binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat'' ({{bibleverse2|Mga|Gawa|15:20-21}}).<ref name= "chadwick37">Chadwick, Henry, p. 37.</ref> Gayunpaman, ayon {{bibleverse2|Mga|Gawa|16:3-4}}, tinuli ni Pablo si Timoteo at sa pagtahak nila sa mga lungsod, ibinigay nila Pablo sa mga iglesia ang pinagpasiyahan ng mga [[apostol]] at ng mga nakakatanda sa [[konseho ng Herusalem]] na kanilang dapat sundin.<ref name=chadwickhenry23and24>Chadwick, Henry, pp. 23–24.</ref><ref name=macculloch109>MacCulloch, ''Christianity'', p. 109.</ref><ref name="Davidson149">Davidson, ''The Birth of the Church'' (2005), p. 149</ref> Ang alitan tungkol sa pagsunod sa Kautusan ni Moises ay hindi natapos sa [[konseho ng Herusalem]]. Ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|21:17-25}}, nabalitaan ng mga Hudyo patungkol kay Pablo, ''na tinuturuan mo ang lahat ng mga Hudyo na nasa mga hentil, ng pagtalikod kay Moises. Sinabi mo na huwag tuliin ang kanilang mga anak, ni mamuhay ng ayon sa mga kaugalian...Dalisayiin mo ang iyong sarili kasama nila. Bayaran mo ang kanilang magugugol upang magpaahit sila ng kanilang mga ulo. Upang malaman ng lahat na hindi totoo ang mga bagay na nabalitaan nila patungkol sa iyo. At malalaman din na ikaw ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan.''". Ayon sa {{bibleverse2||Galacia|2:11-14}}, kinompronta at sinaway ni Pablo si [[Pedro]] dahil sa pamimilit ni Pedro sa mga hentil na sumunod sa kautusan ni Moises. Taliwas sa pinagpasyahan sa [[Konseho ng Herusalem]] na bawal kainin ang pagkaing inihandog sa diyos-diyosan, binigti at dugo, isinaad ni Pablo sa {{bibleverse|1|Corinto|10:25}}, "''anumang ipinagbibili sa pamilihan ay kainin ninyo"''.<ref>I Corinthians: a new translation Volume 32 Anchor Bible William Fridell Orr, James Arthur Walther - 1976 "Paul's openness regarding dietary restrictions raises again the question of the connection with the decrees of the council at Jerusalem (Acts 15:29; Introduction, pp. 63–65). There is no hint here of an apostolic decree involving food."</ref><ref>Gordon D. Fee ''The First Epistle to the Corinthians'' 1987 p480 "Paul's "rule" for everyday life in Corinth is a simple one: "Eat anything19 sold in the meat market""</ref> at sa {{bibleverse|1|Corinto|8:4-8}} ay "''hindi tayo nagiging katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng pagkain''". Ang pagkain ng mga inihandog sa diyos-diyosan ay ipinagbawal rin ni [[Hesus]] sa {{bibleverse||Pahayag|2:20,14}}.
 
Bagaman nakapasok sa kanon na Katoliko ang mga [[sulat ni Pablo]], ang mga sulat na ito ay itinakwil ng mga [[Hudyong-Kristiyano]]ng [[Ebionita]] na naniniwalang si [[Apostol Pablo]] ay isang ''natalikod at impostor na [[apostol]]''.<ref>Ecclesiastical History 3.27.4</ref><ref>Irenaeus; Aganist Heresies 1.26.2</ref><ref>Epiphanius, Panarion, 30.16.6-9</ref><ref>MacCulloch, ''Christianity'', pp.127–131.</ref>
 
===Ikalawang siglo===
Ang ilang mga pamayanang Kristiyano sa ikalawang siglo CE ay nagebolb sa isang mas may istrukturang hierarka na ang isang sentral na obispo ay may autoridad sa siyudad at humantong sa pagpapaunlad ng [[Obispong Metropolitan]]. Ang organisasyon ng Simbahang Kristiyano ay nagsimulang gumaya sa organisasyon ng Imperyo Romano. Ang mga obispo sa mga siyudad na mas mahalaga sa politika ay naglapat ng mas malaking autoridad sa mga obispo sa mga kalapit na siyudad.<ref name=duffy9and10>Duffy, pp. 9–10.</ref><ref name=markus75>Markus, p. 75.</ref> Ang mga simbahan sa [[Antioquia]], [[Alehandriya]] at [[Roma]] ang humawak ng pinakamatataas na mga posisyon.<ref name=macculloch134>MacCulloch, ''Christianity'', p. 134.</ref> Kabilang sa mga magkakatunggaling pananaw na Kristiyanong lumaganap noong ika-2 siglo ang [[Marcionismo]], [[Gnostisismo]], [[Montanismo]], [[Docetismo]]. Si [[Marcion]] ang pinaniniwalang ang unang nagtipon ng isang [[kanon]] na binubuo lamang 11 mga aklat na isang Ebanghelyo ni Lucas at 10 [[sulat ni Pablo]]. Ang ibang mga aklat nang kalaunang naging [[kanon]] ng Bagong Tipan ay itinakwil ni Marcion. Si [[Irenaeus]] ang unang nagmungkahi ng pagtanggap lamang sa apat na ebanghelyo at nangatwiran laban sa mga ibang pangkat na Kristiyano na gumagamit ng mga ebanghelyo na kaunti o higit pa sa 4. Kanyang binatikos ang [[Gnostisismo]] at itinakwil ang [[Ebanghelyo ng Katotohanan]] dahil sa nilalamang [[gnostiko]] nito. Tinangka ni [[Papa Víctor I|Victor]] na obispo ng Roma na ideklarang [[erehiya]] at itiwalag ang mga nagdiriwang ng paskuwa sa Nisan 14. Bago ni Victor, may isang pagkakaiba sa petsa ng pagdiriwang ng Paskuwa sa pagitan ng mga obispo ng Asya menor at Kanluran. Ipinagdiriwang ito ng mga simbahan sa Asya menor tuwing ika-14&nbsp;ng buwang Nisan ng mga Hudyo na araw bago ang paskuwa ng mga Hudyo nang hindi isinasaalang kung anong araw ng linggo ito mahulog na kanilang binatay sa [[Ebanghelyo ni Juan]] sa {{Bibleverse2||Juan|18:28}} at {{Bibleverse2||Juan|19:14-15}}.<ref name=eusebius>Eusebius, Church History 5.23-4</ref> Ang kasanayang ito ay sinunod ni [[Policarpio]] na obispo ng [[Smyrna]] sa Asya (na inangking alagad ni Apostol Juan) gayundin ni [[Melito ng Sardis]]. Salungat sa Ebanghelyo ni Juan, ang {{Bibleverse2||Marcos|14:12-18}}, {{Bibleverse2||Mateo|26:17-21}} at {{Bibleverse2||Lucas|22:8}} ay nagsasaad na ang Huling Hapunan ang Seder na [[Paskuwa]] na isinasagawa ng mga Hudyo sa simula ng [[Nisan]] 15. Ipinagdiriwang ng Kanluran ang Paskuwa tuwing linggo kasunod ng ika-14&nbsp;ng Nisan. Ang mga synod ay idinaos sa [[Syria Palaestina|Palestina]], [[Diocese of Pontus|Pontus]] at [[Osrhoene]] sa ''silangan'' at [[Roma]] at [[Gaul]] sa ''kanluran'' na ang bawat isa ay nagpasyang ang pagdiriwang ng paskuwa ay dapat tuwing linggo. Ang isang pagpupulong sa Roma ay idinaos na pinangasiwaan ni Victor at nagpadala ng liham kay [[Polycrates ng Efeso]] at mga simbahan sa probinsiya ng Asya. Sa parehong taon, tinipon ni Polycrates ang isang pagpupulong sa [[Efeso]] na dinaluhan ng mga obispo sa buong probinsiya ng Asya at nagpasya silang sawayin si Victor at panatilihin ang kanilang tradisyon ng paskuwa.<ref name=eusebius/> Pinutol ni Victor ang kanyang kaugnayan sa mga obispong gaya nina [[Polycrates]] ng [[Efeso]] na sumalungat sa kanyang mga pananaw tungkol sa Paskuwa. Ang isyu ng paskuwa ay sinagot sa [[Unang Konseho ng Nicaea]] noong 325 CE na nagpasyang ang paskuwa ay dapat idaos tuwing linggo kasunod ng buong buwan pagkatapos ng equinox na tagsibol. Itinakwil rin ni Victor si [[Theodotus ng Byzantium]] dahil sa kanyang paniniwalang [[adopsiyonismo]] tungkol kay Kristo. Naniwala si Theodotus na si Hesus ay ipinanganak bilang isang hindi-Diyos na tao at kalaunan lamang "inampon" ng Diyos sa kanyang bautismo at naging Diyos pagkatapos ng kanyang pagkabuhay muli.
 
===Ikatlong siglo===