Demograpiya ng Pilipinas: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
rv unexplained removal of content
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
m (rv unexplained removal of content)
Ang '''demograpiya ng Pilipinas''' ay ang pagtatala ng katauhang populasyon sa bansa; kabilang na dito ang pagtatala ng kasinsinan ng [[populasyon]], pagkaiba-iba ng mga katutubong tao, antas ng edukasyon, kalusugan, estado ng ekonomiya, mga sinasambang relihiyon, at iba't ibang mga aspekto ng populasyon sa bansa. Ang [[Pilipinas]] ay may kabuuang antas ng paglobo ng populasyon na 2.04%, isa sa pinakamataas sa Asya. Base sa nakatala sa senso noong 2007 na isinagawa ng [[Pambansang Tanggapan ng Estadistika]], may kabuuang populasyon na 88,574,614 katao sa bansa; base sa mga pagtatantya noong 2011, may kabuuang 95,800,000 katao ang bansa.
 
Ayon sa senso ng 2000, ang '''populasyon ng Pilipinas''' ay 50,504,077 at binubuo ng iba't ibang mga [[pangkat etniko]].
 
==Mga pinagmulan==
Naipakita ng makabagong [http://hpgl.stanford.edu/publications/AJHG_2001_v68_p432.pdf pananaliksik sa henetika] na ang uring panlahi ng populasyong Pilipino, na bumubuo ng pinakakaramihang bahagi ng bansa, ay naitatag noong pre-kasaysayan ng mga katutubong [[Taywan]]es na nagsasalita ng inang-wikang Awstronesyo, na sunod-sunurang dumayo sa Pilipinas noong mga [[3000 BK]], ang karamihan na ''nakipaghalo'' rin sa mga manaka-nakang dayo mula sa ''mainland'' o kontinenteng [[Asya]] (ngayo’y timog [[Tsina]]). Tangi ang mga pamayanang di-[[Mga Awstronesyo|Awstronesyo]] na ito sa karaniwang populasyon pagdating sa pagkakakilanlang etniko, katayuang panlipunan, mga kaugaliang pangkultura, at madalas sa pamanang pangwika, bagaman tinuturing nila ang kanilang sarili bilang mga tunay na Pilipino.
1,002

edit